• Home
  • Fresh Scoops
  • Muling naglabas ng saloobin si Dennis Padilla laban sa kanyang anak na si Julia Barretto.

Dennis Padilla, hindi rin umano handang patawarin ang anak na si Julia Barretto

Muling naglabas ng saloobin si Dennis Padilla laban sa kanyang anak na si Julia Barretto.

Dennis Padilla, hindi rin umano handang patawarin ang anak na si Julia Barretto-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/20/2022 10:36 AM
Dennis Padilla, hindi rin umano handang patawarin ang anak na si Julia Barretto
Photo credit to @dennisastig Instagram

Muling naglabas ng saloobin si Dennis Padilla laban sa kanyang anak na si Julia Barretto sa gitna ng kontrobersiyang kinasasangkutan nila ngayon.

Sa Instagram post na kaagad din niyang binura, sinabi ni Dennis na hindi rin siya umanong handang patawarin pa si Julia, na kanyang panganay sa dating asawa na si Marjorie Barretto.

“Pareho kami… Di pa rin ako ready patawarin si julia….” caption ni Dennis sa retrato nila ni Julia.


Dennis Padilla, hindi rin umano handang patawarin ang anak na si Julia Barretto

Credits: Fashion Pulis

Kasunod ito ng pahayag ni Julia, 25, na hindi pa siya handang makipag-ayos sa kanyang ama ayon sa panayam nito sa host na si Karen Davila kamakailan.  

“Hindi ko ipagkakait ang forgiveness but I'm just not ready. There's just been so much pain over the years since I was young, so parang I got tired of the same thing,” ani Julia sa interview.

“It’s not difficult for us to forgive, but it’s difficult to really just… It’s not the forgiveness, it’s to forget. But there's just a lot of fear because I don’t know what’s going to happen. But forgiveness, of course, definitely, that’s for my own peace of mind, di ba?”

READ: Julia Barretto, inaming hindi na sila nag-uusap ni Dennis Padilla ngayon: ‘I do hope for healing’

Matapos lumabas ang panayam ay kaagad na naglabas ng loob si Dennis laban kay Julia sa pamamagitan ng social media.

“Ako ang dapat takbuhan mo Julia.... I defended you pero nagalit pa kayo sa akin... Sobra kayo... Ano etong mga kwento mo kay Karen??” ani Dennis.

“Ang buong bahay ko... Ang halaga katumbas lang ng isang kotse mo Julia. Ano pang revenge ang gusto niyong gawin? Lahat ng blessings nasa inyo na... Humingi ako ng apology sa mga pagkukulang ko.. Ano pa gusto nyo?... .. Pati kay Gerald humingi ako ng apology... Ano pa?” sabi pa niya.

READ: Dennis Padilla, inalmahan ang pahayag ng anak na si Julia Barretto

Sa gitna ng isyu, isang mensahe ang ibinahagi ni Marjorie para kay Julia kung saan nangako itong susuportahan at poprotektahan niya ang kanyang anak.

“Dearest Jul, I LOVE you with the kind of love that you can trust. Love that you can depend on, and the kind that will protect you and never betray you,” ani Marjorie.

“Maybe you need to hear this today… I am so proud of you, Jul. I am so blessed to be able to call you my child. Here we go again, back in our family bubble shutting off the noise outside. Only choosing to be grateful for the good things that are in front of us. Remember Jul, God is all-knowing.”

READ: Marjorie Barretto gives message to daughter Julia amid family woes

Samantala, bukod kay Marjorie ay ipinagtanggol din ng kanyang kapatid na si Claudine Barretto ang pamangkin laban sa ama nito.

“Kuya, tama na,” ani Claudine kay Dennis. “Tumigil ka na please! Sumusobra ka na! Maawa ka sa mga bata. Please stop! Mag-usap tayo.”

READ: ‘Maawa ka sa mga bata’: Claudine Barretto, may pakiusap kay Dennis Padilla

Bukod kay Julia, mayroon pang dalawang anak sina Marjorie at Dennis: si Claudia, 23, at si Leon, 19.