• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi na napigilan ni Claudine Barretto na magsalita sa isyung kinasasangkutan ngayon ng kanyang pamangkin na si Julia Barretto at ama nito na si Dennis Padilla.

‘Maawa ka sa mga bata’: Claudine Barretto, may pakiusap kay Dennis Padilla

Hindi na napigilan ni Claudine Barretto na magsalita sa isyung kinasasangkutan ngayon ng kanyang pamangkin na si Julia Barretto at ama nito na si Dennis Padilla.

‘Maawa ka sa mga bata’: Claudine Barretto, may pakiusap kay Dennis Padilla-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/20/2022 10:13 AM
‘Maawa ka sa mga bata’: Claudine Barretto, may pakiusap kay Dennis Padilla
Photo credits to @claubarretto and @dennisastig Instagram

Hindi na napigilan ni Claudine Barretto na magsalita sa isyung kinasasangkutan ngayon ng kanyang pamangkin na si Julia Barretto at ama nito na si Dennis Padilla.

Sa kanyang post sa Instagram na kalaunan ay binura rin niya, nakiusap si Claudine kay Dennis na tigilan na ang pagpo-post nito laban sa kanyang mga anak sa social media.

“Kuya, tama na,” ani Claudine. “Tumigil ka na please! Sumusobra ka na! Maawa ka sa mga bata. Please stop! Mag-usap tayo.”


Ito ay matapos na almahan ni Dennis ang pahayag ni Julia na hindi pa umano siya handang patawarin ang kanyang ama sa panayam nito kay Karen Davila kamakailan.

“Hindi ko ipagkakait ang forgiveness but I'm just not ready. There's just been so much pain over the years since I was young, so parang I got tired of the same thing,” ani Julia.

“It’s not difficult for us to forgive, but it’s difficult to really just… It’s not the forgiveness, it’s to forget. But there's just a lot of fear because I don’t know what’s going to happen. But forgiveness, of course, definitely, that’s for my own peace of mind, di ba?”

READ: Julia Barretto, inaming hindi na sila nag-uusap ni Dennis Padilla ngayon: ‘I do hope for healing’

Sa kanyang naging sagot, hindi napigilan ni Dennis na maglabas ng sama ng loob laban kay Julia na panganay na anak niya sa kapatid ni Claudine na si Marjorie Barretto.

“Ako ang dapat takbuhan mo Julia.... I defended you pero nagalit pa kayo sa akin... Sobra kayo... Ano etong mga kwento mo kay Karen?” ani Dennis.

“Ang buong bahay ko... Ang halaga katumbas lang ng isang kotse mo Julia. Ano pang revenge ang gusto niyong gawin? Lahat ng blessings nasa inyo na... Humingi ako ng apology sa mga pagkukulang ko.. Ano pa gusto nyo?... .. Pati kay Gerald humingi ako ng apology... Ano pa?”

READ: Dennis Padilla, inalmahan ang pahayag ng anak na si Julia Barretto

READ: Marjorie Barretto gives message to daughter Julia amid family woes

Matatandaan na sa parehas na panayam kay Karen, ibinahagi ni Julia ang posibilidad na magkaayos pang muli ang kanyang ina at mga kapatid nito na sina Claudine at Gretchen Barretto.

“Even after things have been said and done, I just feel like the fact that it was painful for each other, it means there was love in the first place,” ani Julia.

READ: Julia Barretto reveals ‘there is hope’ for reconciliation between her mom and her aunts

“I feel like there’s hope. If I’m affected, it’s for my mom, because I do know how much love she has for them.”