• Home
  • Fresh Scoops
  • Thankful rin si Julia Barreetto sa profesionalism ng kaniyang leading man na si Carlo Aquino.

Pa-seksi image ni Julia Barretto, pinayagan ni Gerald Anderson?

Thankful rin si Julia Barreetto sa profesionalism ng kaniyang leading man na si Carlo Aquino.

Pa-seksi image ni Julia Barretto, pinayagan ni Gerald Anderson?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/19/2022 11:03 PM
Pa-seksi image ni Julia Barretto, pinayagan ni Gerald Anderson?

Tila hindi big-issue para sa aktor na si Gerald Anderson ang naging pagpapasexy ni Julia Barretto sa latest movie ng Viva Films na Expensive Candy.

Ayon kay Julia, bilang isang artista, alam niyang naiintindihan ng kaniyang boyfriend na si Gerald ang role na kaniyang ginawa para sa nasabing proyekto. 


“Actually, we don’t na discuss those things,” bungad ni Julia sa panayam ng Cinemanews. “I think you’re right na and it is given in the nature of our job, so hindi na siya surprising kapag ganun.” 

As a girlfriend, thankful rin si Julia sa malawak na pang-unawa ni Gerald sa kaniyang mga desisyon sa buhay kabilang na ang pagtanggap ng daring roles na hinihingi para sa kaniyang recent project. 

“I am also thankful that he’s supportive and he’s really one of the ones na nagpu-push sa akin to get out there and work. Like he motivates me to work. So he’s very supportive.”

Speaking of her role as Candy in the movie, ibinahagi rin ni Julia na well immersed siya sa naging buhay ng ilang “Candies” sa Angeles, Pampanga kung saan nakasalamuha niya ang ilan sa mga real-life candy na ginampanan niya sa ginawang pelikula. 

Dito, nagbigay rin ng kaniyang saloobin ang aktres sa usapin ng pantay na pagtingin sa mga night club performers. 

“Oh wow that’s really a talked about topic today and I just think that a woman has a choice at the end of the day. When I did my immersion, what really enlightened me was of course these women were performing,” ani Julia.

Pagpapatuloy pa niya: So when I was there when we were doing our immersion, I was watching these really empowered women. Also, they were beautiful, they were performing, dancing, there … We really realized that they actually having fun like it's amazing how empowered they were on that stage.”

Ayon kay Julia, napabilib siya sa mga real-life candy na kaniyang nakasalamuha during the shoot of her recent movie. 

“Talagang they really embraced what do they do, how they look, they felt sexy, they felt confident and beautiful, sexy and confident. So I just feel that at the end of the day, if a person feels like that is what she has to do to survive, I can't make a judgment on that, because we are all trying to survive in this life and hindi tayo lahat pare-parehas ng way.

“But if you’re surviving then it’s good for you. Kung masaya ka pa sa ginagawa mo, then okay. But it’s really so hard for me to give an opinion on something that I… because I have to do what I have to do to survive. So yeah, it’s so hard. It’s so hard on this issue,” dagdag pa niya.

Samantala, thankful rin si Julia sa aktor na si Carlo Aquino na hindi siya umano pinabayaan sa ilang daring scenes na kanilang ginawa.

“All good thing. He’s very professional. So giving and so professional. But Carlo Aquino is Carlo Aquino and we all know that he’s just amazing at what he does and he really made me feel safe and comfortable and it really helped me do my job. So yeah just good things,” pahayag ni Julia. 

Bukod sa pagpapalabas sa mga sinehan, mapapanood rin soon sa Vivamax mobile app ang Expensive Candy directed by JP Laxamana.