• Home
  • Fresh Scoops
  • “I will never not love her,” ani Markus Paterson sa dating girlfriend na si Janella Salvador.

Markus Paterson, iginiit na ayos sila ni Janella Salvador; pinanindigan ang mga pahayag na umani ng batikos

“I will never not love her,” ani Markus Paterson sa dating girlfriend na si Janella Salvador.

Markus Paterson, iginiit na ayos sila ni Janella Salvador; pinanindigan ang mga pahayag na umani ng batikos-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/19/2022 09:37 AM
Markus Paterson, iginiit na ayos sila ni Janella Salvador; pinanindigan ang mga pahayag na umani ng batikos
Photo credit to @superjanella and @markus Instagram

Nagsalita na si Markus Paterson kaugnay sa kontrobersiyal niyang pahayag tungkol sa hindi pakikipagdate sa showbiz na umani ng mga negatibong reaksyon mula sa netizens.

Sa ikatlong episode ng Boys After Dark series sa YouTube, nilinaw ng aktor ang kanyang naging pahayag at sinabing hindi niya pinagsisisihan ito.

“I would like to keep this very short and sweet. If I could go back in time and change what I said, honestly, I would not. I stand by what I said because what I said comes from my past, my truth, and that’s my honest opinion about my future potential relationships. ‘Yun lang ‘yun,” aniya.


“’Wag kayo mag-assume, okay? Let’s not jump to conclusions or anything because you kinda are,” dagdag pa niya.

READ: Markus Paterson, may pasaring kay Janella Salvador?

Giit ni Markus, nirerespeto niya ang kanyang dating partner na si Janella Salvador bilang ina ng kanilang anak na si Jude Trevor.

“Thirdly, I respect Janella to the utmost of my ability. The woman that she’s become, the mother that she’s become? I will love for forever. She’s given me the best gift of my life,” aniya.

READ: Markus Paterson: ‘I have never and will never lay my hands on a woman’

Paglilinaw pa niya, maayos ang kanilang relasyon ni Janella bilang mga magulang ni Jude.

“At the end of the day, I want to bring it back to the fact that me and Janella are good, we’re friends. We are co-parenting. Obviously our priority is Jude. She’s an amazing mother and I’m trying to be an amazing father,” saad niya.

Bilang ina ni Jude, sinabi ni Markus na habambuhay umanong magiging bahagi ng puso niya si Janella.

“Jude is for sure my biggest blessing. And the fact that she’s the one who gave him to me, I will never not love her. Maybe not romantically anymore, but she will always be a huge part of my heart,” sabi pa niya.

Nito lamang nakaraang linggo nang kumpirmahin ni Markus na hiwalay na sila ni Janella matapos ang higit dalawang taon nilang relasyon bilang magkasintahan.

Ayon sa aktor, halos isang taon na nang mapagdesisyunan nilang tapusin ang kanilang relasyon. Matatandaang Oktubre 2020 nang ipinakilala ng dalawa ang kanilang anak na si Jude Trevor sa publiko.