• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi din ni Marion Aunor kung bakit hindi siya masyadong nagfo-focus ngayon sa kanyang lovelife.

Marion Aunor, ramdam na nasa dugo rin niya ang pag-arte katulad ni Nora Aunor

Ibinahagi din ni Marion Aunor kung bakit hindi siya masyadong nagfo-focus ngayon sa kanyang lovelife.

Marion Aunor, ramdam na nasa dugo rin niya ang pag-arte katulad ni Nora Aunor-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/19/2022 10:44 PM
Marion Aunor, ramdam na nasa dugo rin niya ang pag-arte katulad ni Nora Aunor
Photo credits: @marionaunor on Instagram

Bukod sa pagiging sultry singer at pagtatayo ng sariling record label na Wild Dream Records, ay unti-unti na ring sumasabak sa pag-arte si Marion Aunor.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Marion Aunor (@marionaunor)

In fact, kasama siya sa pelikulang Revirginized na pinagbibidahan ni Sharon Cuneta, Sarap Mong Patayin at sa More Than Blue nina JC Santos at Yassi Pressman. Sa More Than Blue ay sosyalerang kontrabida named Bonnie ang kanyang character.


Sa pag-arte na ba siya magko-concentrate ngayon?

“Actually, sabay-sabay lang din kasi silang dumadating. Kasi ayoko din naman ‘yung routine na work talaga – so acting, tapos yung record label with Viva and Boss Vic (del Rosario), sabay pa rin po yung music tsaka acting,” pahayag ng dalaga sa PUSH.

“Ang cute nga ng karakter ko dun sa More Than Blue – si Bonie – na parang pa-sosi na ewan, pasosyal na nakakainis. Nata-type-pan ko naman ‘yung ganung role kasi ‘yung accent ko kasi hindi talaga tagalog na tagalog so parang dun ko nadadaan sa acting na medyo pasosyal, pa-conyo, ganun,” ani Marion.

“Gustung-gusto ko ‘yung nanonood ng mga villain role, mga kontrabida pero hindi ko lang alam sa sarili ko kung kaya ko ‘yung ganun ka-extreme, siguro middle lang na nakakainis,” sabi ulit ni Marion.

READ: Sexy singer, bagong image ni Marion Aunor?

Ngayong 2022 ay muling bibida si Marion kapartner si Gerald Santos ng sikat na Miss Saigon musical sa pelikulang Al Coda ng NDM  Studios na mula naman sa direksyon ni Njel de Mesa. Libreng mapapanood ang pelikula sa YouTube at iba pang social media platforms.

Kuwento ni Marion: “Ito kasi 2019 pa talaga dapat ito ipapalabas kaya lang nagkaroon nga ng pandemic so ayun tinuloy lang naming. Nagshoot kami ng isang scene para lang i-end ‘yung movie na ito and then ngayon lang po namin ilalabas.”

Hindi ba siya na-intimidate kay Gerald na bihasa na sa pag-arte sa teatro?

“Well, very nice naman si Gerald. Hindi naman niya pina-feel sa akin na…. Siyempre, siya talaga acting ‘yung field niya, ako naman more on music talaga, pero hindi ko naman na-feel ‘yun during the shoot. Very friendly siya at parang naglalaro lang kami sa set, nag-i-ennjoy lang,” tugon ng singer-actress.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Marion Aunor (@marionaunor)

Dugtong niya: “I really made sure lang talaga to memorize the lines, try na talagang ‘yung emotions ko nandun sa lines, hindi yung parang memorization lang. Nag-effort din naman ako.”

Si Marion ay pamangkin ng superstar at National Artist na si Nora Aunor na unang nakilala bilang singer bago naging award-winning actress. Kumbaga, nasa dugo ni Marion bilang isang “Aunor” ang sining ng musika at pag-arte.

“Actually, parang na-realize ko rin na talaga sigurong merong part of us na umaarte talaga. Kasi si mom (Lala Aunor) din dati although hindi niya pinursue ang acting nung younger siya kasi more on sa Lala Aunor Show siya, ganun,” ani Marion.

“Pero ayun, na-feel ko din sa sarili ko na talagang siguro nga nasa blood namin ang music and acting since nga si Tita Guy (Nora Aunor) ay ganun din,” dagdag pa niya.

“Na-enjoy ko din po kasi ang acting at masarap din talagang umarte especially ‘yung ginawa ko sa More Than Blue. So parang open lang ako sa opportunity. Kung anong merong opportunity go lang!” paliwanag ng dalaga.

Ang Al Coda ay kuwento ng dalawang musicians na dating magkasintahan na nagkahiwalay dahil sa isang problema. Pero muli silang pinagtagpo dahil sa isang trabaho.

Kung magkakabalikan sina Marion at Gerald sa pelikula ay ‘yun daw ang dapat abangan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Marion Aunor (@marionaunor)

Anyway, kumusta naman ang lovelife ni Marion ngayon?

“Wala. Ha-ha-ha!” natatawa niyang sagot. “Kasi choosy lang talaga ako. May lumalapit sa akin pero hindi ko type masyado, ganun.”

“Wala akong ma-type-pan talaga na gustung-gusto ko na person to the point na magkakaroon ng relationship. Hindi naman niya kailangang maging musically-inclined, parang minsan lang kasi kunyari, ‘yung ugali, hindi okay. O kaya parang minsan, gusto ko mas creative na tao or mas nage-gets yung work ko…,” aniya.

“Parang hindi ko pa nahahanap ‘yung talagang perfect na combination na ‘yun na ‘yung person na ‘yun. Kasi feeling ko happy naman ako sa life ko. Kapag merong person na worth being in my life, gusto ko ‘yung talagang okay na okay siya na person, hindi ‘yung kung sino lang para lang magkaroon ako ng relationship. Parang dapat meron siyang ma-add na value sa life ko,” pagpapatuloy pa niya.

READ: Marion Aunor has a new image for 2021

“Hindi rin naman ako naghahanap kasi okay naman ako. Okay ‘yung job ko, okay ‘yung family life ko. Happy ako ngayon. So if you really want to go for me, what value can you add to my life instead of parang. ‘Okay sige na para magka-boyfriend lang ako kasi nalo-lonely ako.’ Parang for me waste lang din kasi yung ganun,” dire-diretsong katwiran ni Marion.