• Home
  • Fresh Scoops
  • Nanawagan si Dennis Padilla kay Karen Davila na bigyan umano siya ng pagkakataon na ihayag ang kaniyang saloobin at ituwid ang mga mali sa mga alam ng anak na si Julia Barretto.

Dennis Padilla, inalmahan ang pahayag ng anak na si Julia Barretto

Nanawagan si Dennis Padilla kay Karen Davila na bigyan umano siya ng pagkakataon na ihayag ang kaniyang saloobin at ituwid ang mga mali sa mga alam ng anak na si Julia Barretto.

Dennis Padilla, inalmahan ang pahayag ng anak na si Julia Barretto-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/18/2022 04:28 PM
Dennis Padilla, inalmahan ang pahayag ng anak na si Julia Barretto

Tila hindi nagustuhan ng actor-comedian na si Dennis Padilla ang mga naging pahayag ng kaniyang anak na si Julia Barretto sa naging panayam nito sa recent YouTube vlog ni Karen Davila.

Kasunod ito ng naging paghahayag ng kaniyang anak na si Julia ng kaniyang saloobin nang kamustahin ang relasyon nito sa kaniyang ama.

Sa naging panayam ni Karen Davila kay Julia, hindi pa umano ito handang makipag-ayos sa kaniyang ama na si Dennis at naniniwala umano na darating rin ito sa tamang panahon.


“I’ll be very honest. We have not spoken and it’s because there’s just so much fear inside me. I’m really scared,” ani Julia sa panayam niya kay Karen.

READ: Julia Barretto, inaming hindi na sila nag-uusap ni Dennis Padilla ngayon: ‘I do hope for healing’

Kasunod nito, umalma si Dennis sa social media at tinawag ang atensyon ni Karen Davila. 

Sa mga burado ng Instagram post, nanawagan si Dennis sa veteran TV news anchor na nais umano niyang ilabas ang kaniyang saloobin sa tila “maraming mali” sa alam ng kaniyang anak. 

“@iamkarendavila… Pls be fair to all… You need to interview me… Maraming mali sa alam ni julia… Waiting sa reply mo ty,” caption ni Dennis sa buradong IG post nito kung saan kalakip ang kaniyang litrato kasama ang mga anak.

Matatandaan sa gitna ng mainit ang bangayan ng magkakapatid na Barretto na sila Gretchen, Marjorie at Claudine noong taong 2019, ibinahagi ng actor-comedian sa PUSH na patuloy siyang nag-re-reach out sa mga anak na sina Julia, Claudia at Leon upang kamustahin ang mga ito.

READ: Sa gitna ng bangayan ng Barretto sisters, Dennis Padilla, may paki-usap

“Well, ako once in a while I text her (Julia), kasi sa edad niya kapag hindi siya masyado nag open up, hindi ko masyado kinakalkal. Ang ginagawa ko lang once in a while, once in a week, tini-text ko lang,” sabi pa ni Dennis sa exclusive interview noon ng PUSH.

Mainit man ang usapin ngayon sa tila hindi magandang takbo ng relasyon ni Dennis sa kaniyang mga anak, umaasa ang marami na dumating ang araw na maging maayos rin ang gusot sa kanilang pamilya.