• Home
  • Fresh Scoops
  • Aminado din si Zeinab Harake na may alok na rin sa kanya na magpaseksi sa pelikula.

Zeinab Harake on rivalry with Jelai Andres: ‘Wala pong competition talaga’

Aminado din si Zeinab Harake na may alok na rin sa kanya na magpaseksi sa pelikula.

Zeinab Harake on rivalry with Jelai Andres: ‘Wala pong competition talaga’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/17/2022 10:27 AM
Zeinab Harake on rivalry with Jelai Andres: ‘Wala pong competition talaga’
Photo credit: @zeinab_harake and @jelaiandresofficial Instagram

Inamin ng social media superstar na si Zeinab Harake ang totoong dahilan kung bakit ayaw muna niyang pasukin ang showbiz kahit maraming alok sa kanya para mag-artista.

“Natatakot lang po talaga akong pasukin yung mundo ng showbiz, feeling ko kasi hindi pa ako handa na sumabak sa acting,” katwiran ni Zeinab.

Kuwento pa ng sikat na vlogger, “Gusto ng parents ko na mag-artista ako, lalo na yung mama ko. Sa totoo lang po, nag-o-audition po ako sa ABS, sa kahit saan. Naranasan ko pang maging ekstra sa mga TVC noong bata po ako.


“Talagang nakita ko kung gaano kahirap at kagaling ‘yung mga artista. Hindi ko masabi na kaya kong gawin ‘yung kaya nilang gawin, e. Magiging totoo lang po talaga ako palagi sa kung hanggang saan ang kaya ko. Pero pagdating po sa serye at sa movies, malalaman pa po natin yan.”

BASAHIN: Zeinab Harake, gustong maka-collab si Piolo Pascual ng 24-hour handcuff challenge

Ibinahagi rin ni Zeinab na noon ay may alok na rin sa kanya na magpaseksi sa pelikula pero hindi niya raw talaga ito kayang gawin lalo pa nga kung pagka-bastos ang pelikula.

“Parang di ko naman keri na sexy agad. Kasi yung mga sexy themes ko, eh, ang mga nakakakita lang din po ay ang team ko. Hindi ko keri na maghubad nang maraming tao.

“Kasi po may mga naging offer sa akin, hindi ko na lang po babanggitin kung anong movie yon, isa yon sa mga parang medyo bastos na movie na nailabas. Noong nabasa ko po yung linya, ako po yung kalog talaga at walang preno ang bunganga, pero yung mga ganung salita, hindi ko po kayang bitawan,” sey pa ng vlogger.

“Hindi ko po gagawin yung mga bagay na hindi ko po keri talaga lalung-lalo na sa mga bagay pagdating sa pagkababae kasi po babae ang anak ko, tapos babae po ako, at medyo maselan nga po akong napalaki. Kaya po hangga’t maaari hindi ako nag-aano sa mga nag-o-offer.

“Malalaman natin pero hindi pa ako sure. Siguro mga 80 percent hindi ko pa kaya magpa-sexy, yung 20 percent papasok tayo sa istorya and kung gaano kalala ang dapat gawin,” dagdag na katwiran ni Zeinab.

Hirit ulit niya, “Kung ano lang po yung kaya ko, lahat po ng keri kong gawin, let’s go. Pero yung mga bagay na hindi pa, siguro po maaaral natin in the future. Gaya po ng sabi ko, bata pa naman ako.”

Nakausap ng PUSH si Zeinab nang ipakilala siya ng Beautederm Corporation bilang bagong brand ambassador ng sikat na kumpanya ni Rhea Tan na nasa ika-13 taon na ngayon sa market. Kasama rin ni Zeinab bilang ambassador ng Beautederm ang sikat ding social media influencer na si Jelai Andres.

BASAHIN: Skusta Clee, maglalabas ng kanta tungkol sa hiwalayan nila ni Zeinab Harake?

Wala bang rivalry sa mga tulad nilang sikat na social media influencer? 

“Ay! Naku po! Wala po talaga! Friends po talaga kami! Actually, yun yung DoLaiNab —si Donnalyn [Bartolome], si Jelai and ako. Friends talaga kami!” pahayag niya.

“Ito yung… siguro kaya din na parang…hanggang ngayon, yung trio na yon, nag-start po akong mag-vlog, friends ko na yung dalawa, eh. So, sobrang solid. Kasi hindi lang kami on-cam magkakaibigan, pati off-cam po magkakaibigan kami at magkakasama kami. Magkakapatid na nagtutulungan.

“Pag may problema yung isa, tulungan po talaga kami. So, wala pong competition talaga. And eto po, sa totoo lang, ito po yung personalidad ko, ha? Hindi po ako nai-insecure.

“Kasi, hindi po ako nakikipagkumpetensya kahit kanino. Hindi ko naman po kailangang makipagkumpetensya at makipag-anuhan dahil kung ano lang po yung meron diyan, eh, Okey na po ako dun, at dun ako nasanay. Siguro, one thing na pinakamagandang binigay ni Lord about sa akin, eh, yung ugali ko talaga. Marunong po akong makuntento,” pagdidiin ng internet sensation.

Magkasama sina Zeinab at Jelai sa isang mall tour noong September 11, 2022 para i-promote ang local na kanilang ini-endorso at dito’y napatunayan ng dalawa na talagang malakas ang hatak nila sa mga tao.