• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinuri rin ni Julia Barretto ang kapatid niyang si Leon sa pagsasalita nito para sa kanilang pamilya.

Julia Barretto, inaming hindi na sila nag-uusap ni Dennis Padilla ngayon: ‘I do hope for healing’

Pinuri rin ni Julia Barretto ang kapatid niyang si Leon sa pagsasalita nito para sa kanilang pamilya.

Julia Barretto, inaming hindi na sila nag-uusap ni Dennis Padilla ngayon: ‘I do hope for healing’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

09/17/2022 10:02 AM
Julia Barretto, inaming hindi na sila nag-uusap ni Dennis Padilla ngayon: ‘I do hope for healing’
Photo credit: @juliabarretto and @dennisastig Instagram

Inamin ng aktres na si Julia Barretto na hindi na sila nag-uusap ng kanyang ama na si Dennis Padilla. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Julia (@juliabarretto)

Sa panayam ni Julia sa pinakabagong video na inilabas ng ABS-CBN broadcast journalist na si Karen Davila sa YouTube channel nito, ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit nahantong sa ganito ang relasyon nila ng kanyang ama. 


Pag-amin ni Julia, nakakaramdam siya ng takot. “I’ll be very honest. We have not spoken and it’s because there’s just so much fear inside me. I’m really scared,” aniya. 

Bagama’t hindi sa pisikal na paraan, pagod na umano si Julia sa paulit-ulit na pagdulot ng sakit sa kanila at paggawa ng paraan upang makabawi sa kanila. 

“And you know, I just want to kind of huminga lang muna from that cycle,” 

Gayunpaman, nilinaw ni Julia na ang isyu ay hindi ang pagpapatawad kundi ang makalimutan ang mga ginawa nito. Dagdag pa niya, nakakaramdam siya ng takot dahil hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap sakaling magkaayos sila. 

“I think it’s not difficult for us to forgive. But it’s difficult to really just… It’s not the forgiveness, it’s to forget. It’s also just, there’s a lot of fear because I don’t know what’s going to happen. But forgiveness, of course, definitely,” paliwanag pa niya. 

Sinabi naman ni Julia na hindi lang umano siya handa sa ngayon pero hindi niya ipinagkakait sa kanyang ama ang kapatawaran. 

“That’s for my own peace of mind, di ba? Hindi ko ipagkakait ang forgiveness but I’m just not that ready. There’s just been so much pain over the years since I was young. So parang I got tired of the same thing,” aniya. 

Ayon pa kay Julia, alam niya sa sarili niya na dapat mahalin ang kanyang mga magulang ngunit gaya ng lahat, tao lang din siya at nasasaktan. 

“Sa commandments, no matter what happens, they’re your parents. And I always ask God, actually, I say: ‘You know God, I know a parent is a parent and I’m only just a child but at the same time saan yung boundary na a child is also allowed to get hurt and have their own pains?’”

WATCH: Julia Barretto thanks Dennis Padilla for owning up to shortcomings as a dad

Ayon pa kay Julia, pagmamahal at pagkalinga lang ang kailangan niya sa kanyang ama. 

“I just need more love from him. More love, more protection. I just feel like he should be my number one protector and that’s not really what I’m getting right now from him. So it does hurt because dapat siya yung tinatakbuhan ko, di ba? But it is sad that I can’t. So I pray for it,” aniya. 

BASAHIN: Dennis Padilla on reconnecting with daughter Julia Barretto: ‘Nagsisimula pa lang kami’

Ani Julia, mas nasasaktan siya ngayon dahil alam niyang pati ang kanyang kapatid na si Leon ay nasasaktan na rin. 

Matatandaang naglabas ng open letter si Leon para sa kanyang ama nitong taon. 

“I think it was because it wasn’t new. But it was more like pain because before it used to be just between my dad and I. And now it was between my younger brother and my dad. And it’s painful because sometimes kung pwedeng sa akin na lang yung all the pain, if I could just spare my siblings from some traumas from certain conversations,” aniya. 

“Thankfully, Leon is brave,” ani Julia na pinuri ang kanyang kapatid sa pagiging responsable nito bilang anak at kapatid. 

“And he’s so protective and he’s the youngest pa. I’m grateful he spoke up and he protected us,” aniya. 

BASAHIN: Leon Barretto steps up to protect sisters from Dennis Padilla’s ‘false narratives’; admits getting traumatized with hurtful words

Sa kabila ng lahat, sinabi ni Julia na hindi niya sinasarado ang kanyang pintuan sa posibilidad na maayos ang kanilang pamilya. 

“I think it’s possible. But I do hope though that there’s healing between everyone and na ma-resolve. But I’m not sure if it can ever be the same again. But that’s just the truth. I’m not sure if it can ever be the same again but I do hope for healing and just ma-resolve.”