• Home
  • Fresh Scoops
  • Balak ni Beauty Gonzalez na magretiro sa showbiz pagkatapos ng anim na taon.

Beauty Gonzalez gustong magretiro sa showbiz habang hindi pa laos: ‘I want to be retiring at my peak’

Balak ni Beauty Gonzalez na magretiro sa showbiz pagkatapos ng anim na taon.

Beauty Gonzalez gustong magretiro sa showbiz habang hindi pa laos: ‘I want to be retiring at my peak’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/17/2022 04:59 PM
Beauty Gonzalez gustong magretiro sa showbiz habang hindi pa laos: ‘I want to be retiring at my peak’
Photo credit: @beauty_gonzalez Instagram

Inamin ni Beauty Gonzalez na simula sa kanyang pagkabata ay hindi talaga niya nakikita ang sarili niya bilang maganda. Ipinagtapat niya ito sa press sa ginanap na mediacon ng Beautederm Corporation kung saan siya ang endorser para sa clinic ng kumpanya na BeauteHaus.

Ani Beauty, “Actually, when I grew up, hindi ko nakikita na maganda ako. And then nung napanood ko yung Beauty and the Beast, maganda yung Beauty, si Belle du’n, di ba? I was thinking with my mom na parang, ‘Talagang confident ka, pinapangalan mo akong Beauty, ‘no?’ sabi kong ganu’n. ‘Paano kung pangit ako, itatago mo ako?’

“Kasi, Beauty talaga ang ipinangalan niya. And then, well, I really don’t think of myself as beautiful, that’s the problem with me. And I’m happy that I have my husband who keeps reminding me that.”


Fast forward to present days, hindi rin daw kasi siya yung tipong GGSS o gandang-ganda sa sarili.

“Honestly, I’d rather feel that way, yung simple lang ba ako rather than feeling ko, magandang-maganda ako. I’d rather be shy and uncomfortable para hindi ako mukhang mayabang, you know,” sabi niya.

“Alam mo yon, iba yung parang feeling maganda ka, GGSS (gandang-ganda sa sarili) ka tapos wala ka namang ibang nabibigay,” diin pa ni Beauty

BASAHIN: Beauty Gonzalez shares the secret to a strong marriage: ‘Hindi pa kami nag-aaway’

Samantala, tuloy pa rin ang plano ni Beauty na magretiro nang maaga sa showbiz. Binibigyan na lang daw niya ang sarili ng anim na taon sa pag-aartista at babu na siya.

“Yeah, inaway nga ako ng husband ko. ‘Ang yabang-yabang mo, six years ang sinasabi mo diyan!’’ sabay tawa ng dating Pinoy Big Brother housemate.

“Well, six years from now, I’ll still look like Ms. Rei (Anicoche Tan, President and CEO ng Beautederm), payat, sexy, and beautiful. Yan yung goal. And siyempre marami na akong nagawang projects hopefully na magaganda.

“And I mean, gusto kong mag-retire but kung meron mang magandang project na I cannot resist, who I am to you know, who am I to say no if maganda talaga?” paliwanag ng aktres.

Dagdag pa ni Beauty, gusto raw niyang mag-quit sa showbiz na hindi pa siya laos at kilala pa rin ng mga tao.

LOOK: Beauty Gonzalez enjoys Paris with daughter Olivia

Sabi niya, “I would really want to retire loved and beautiful and while I’m still up there. Ayokong umalis ako na alam mo yon, yung parang… yung hindi na maganda. Yung ganun. Gusto ko, pag nakatalikod ako, masaya pa rin ako.”

Patuloy niya, “Ako kasi, I’m a type of person na pinaplano ko talaga. As much as I can, kung kaya kong planuhin yung career ko, I would plan it. And just like what I said,  if ever I retire, I want to be retiring at my peak. I don’t want to retire when I’m feeling and going down. Para when I turn my back, naka-smile pa rin ako. Hindi ako umiiyak.”

 Eh, ano naman ang gagawin niya kapag nagretiro na sa showbiz?

 “Siguro maging businesswoman. Matutuwa yung mama ko nu’n. And of course, take care of my husband, my family. And continue what I love—I love arts. Maybe I’ll have an art gallery someday. Yon yung mga dreams ko,” pagbabahagi pa ni Beauty sa gusto niyang gawin in the future.