• Home
  • Fresh Scoops
  • Binigyang linaw rin ni Aljon Mendoza na nananatiling buo ang kanilang tambalan ni Karina Bautista.

KarJon tandem, pahinga muna? Aljon Mendoza, bida sa upcoming iWant series with Jayda

Binigyang linaw rin ni Aljon Mendoza na nananatiling buo ang kanilang tambalan ni Karina Bautista.

KarJon tandem, pahinga muna? Aljon Mendoza, bida sa upcoming iWant series with Jayda-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/16/2022 04:01 PM
KarJon tandem, pahinga muna? Aljon Mendoza, bida sa upcoming iWant series with Jayda
Photo credit to @aljonmendozaa Instagram

Exploring new projects muna ngayon ang focus ng former Pinoy Big Brother housemate at Kapamilya Star na si Aljon Mendoza.

Si Aljon ang onscreen partner ni Karina Bautista sa tambalang KarJon na nabuo sa loob ng Pinoy Big Brother house.

Sa panayam ng PUSH kay Aljon, ibinahagi nito ang bagong proyekto na kaniyang pagbibidahan kasama ang singer-performer na si Jayda na first time sasabak sa acting.


READ: Jayda Avanzado, handa na para sa kaniyang first acting project na ‘Teen Clash’

“Mayroon kamin upcoming series kasama ko si Jayda and Markus Paterson and ‘yup ibang cast ire-reveal soon. Ang pangalan non ay Teen Clash. Isa siyang Wattpad adapatation, so coming soon,” bungad ni Aljon sa panayam.

Dito, kinumusta ng PUSH ang estado ng love team nila ni Karina Bautista na tila ine-explore na rin ang kaniyang sariling passion as an individual artist.

WATCH: Karina Bautista, nilinaw ang estado nila ni Aljon Mendoza | PUSH Daily

“Hindi ko naman masasabi na solo artist ako. Pero happy ako kasi nakakapag-explore ako with different people nakakatrabaho ko. And happy rin ako for Karina kasi nakakatrabaho niya ang iba’t ibang tao rin. Pero supportive naman kami sa isa’t isa kung ano ang mga gagawin namin and sa mga achievements namin,” tugon ni Aljon.

Looking forward rin ang Kapamilya star sa kaniyang mga bagong makakasama sa proyekto na malayo sa kaniyang nakasanayang team up.

“Personally, excited ako kasi bagong experience ito sa akin, and si Jayda, sobrang bait niya and feeling ko mag-jive kami together with Markus,” ani ng Kapamilya star.

Ibinahagi ni Aljon na naging supportive ang mga KarJon fans sa kanilang mga gagawing proyekto.

“Wala naman akong nabasa na hate comments so far or hindi ko alam. Pero nag-message aka doon sa head admin ng fans club namin ni Karina so ayun ki-nomfort ko and nag-thank you pa rin ako and ayun sabi ko ‘Sana maintindihan niyo. It’s all for my dreams and thank you.’ Kasi hindi naman magsasara ang pintuan. Marami lang possibilities sa ngayon and maraming salamat pa rin sa suporta.”

Gagawa man ng magka-hiwalay na proyekto, sinigurado ni Aljon na nanatiling mabuti ang kanilang pagkakaibigan ni Karina.

“Okay kami. We’re super okay. Noong nag birthday ako, nag-message siya and support kung ano man ang mangyari. And ako rin, nag-greet rin noong birthday niya.”

Isang sorpresa rin ang kanilang handog para sa kanilang mga taga-suporta.

“Actually, last year pa lang open na kami sa possibilities na maki-trabaho kami sa iba’t ibang tao and mayroon pa naman kaming upcoming project na ire-release, parang next month or before mag end ang year,” pahayag ni Aljon.

Mapapanood soon sa iWant TFC ang Teen Clash with Markus Paterson kasama ang singer performer na si Jayda Avanzado.