Herlene Budol nag-react sa isyung nagbago na siya at lumaki na ang ulo

Nagsalita din ang manager ni Herlene Budol tungkol sa isyu.

Herlene Budol nag-react sa isyung nagbago na siya at lumaki na ang ulo-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/14/2022 05:04 PM
Herlene Budol nag-react sa isyung nagbago na siya at lumaki na ang ulo
Photo credit to @herlene_budol Instagram

Nilinaw sa PUSH ng vlogger at beauty queen na si Herlene “Hipon Girl” Budol ang isyung nagbago na siya at lumaki na ang kanyang ulo simula nung manalo siyang first runner-up sa  Binibining Pilipinas at magkaroon na rin ng product endorsements.

“Hindi naman nabago yung ugali ko. Kumbaga, ang dami daw taong nakakapansin na nagbago daw ako, na choosy na daw ako masyado, pero hindi po. Siyempre may mga taong nag-aalaga na rin sa akin, hindi na sa akin lang nanggagaling yung mga desisyon,” simula niyang paliwanag.

“Eh, siyempre dati parang pariwara lang ako. ‘Sige, okey lang ako pare,’ ganun lang ako noon. Eh, ngayon meron ng nagkokontrol sa kung ano at hindi ko dapat gawin sa buhay ko.


“Walang makakapagpabago ng ugali ng tao – hindi pera. Nasa mind set yan tsaka sa mga taong nakapaligid. Actually ngayon mas na-appreciate ko yung mga dumadating sa akin na mga blessings ngayon,” giit ni Hipon Girl sa contract signing at mediacon ng Rejuviant Premium Cocoberry Bodywash and Premium Cocoberry Instaglow Lotion.

BASAHIN: Herlene Budol hindi ililigwak ang pagiging Hipon Girl

Maging ang manager ni Herlene na si Wilbert Tolentino ay nag-react din sa balita na nagsimula lamang sa isang blind item nang tumanggi sila sa guestings ng alaga nito dahil kinakailangan pang abisuhan ang Binibining Pilipinas organization. Kaagad naman niyang dinepensahan si Herlene.

“Sure ako si Herlene ‘Hipon’ Budol ang tinutukoy.  During nag-i-inquire po sila hindi pa nakapag-sign ng contract sa Binibining Pilipinas ang artist. Siyempre bilang manager obligasyon ko protektahan ang artist ko dahil may tamang proseso at kinakailangan dumaan eto sa organisasyon ng BBP,” esplika ni Wilbert.

Hirit pa niya, “Kapag sinabing ipag paalam kailangan pala, eh, write up na? Di ba in good relation naman ako sa lahat?

BASAHIN: Is history like tsismis? Bb. Pilipinas 1st runner-up Herlene Budol answers

Going back to Herlene, bukod sa pagiging vlogger, beauty queen at endorser ano pa ba ang nasa wish list niya?

“Wala na akong wini-wish. Gusto ko talaga pang pamilya pa din,” sagot niya. “Para sa akin ano, eh, kung ano na lang ang ibigay, kaya nga God’s will, eh.

“Ayokong manghingi, eh. Ako yung taong hindi palahingi. Ako yung taong kung ibibigay, iibigay. Pero favorite daw ni Lord yung manghihingi ka pero para sa akin hindi eh. Kasi yung yung mga hiningi ko hindi naman binigay, eh, pero may mga tamang plano siya para sa atin na mas ikagaganda ng buhay natin, so ba’t ka manghihingi? Eh, di Lord sa ‘yo na ‘to, buong buhay ko sinusurender ko na sa ‘yo,” sabi pa niya.

“Ay, meron pala akong wish—sana good health para sa buong pamilya ko. Sana walang magkasakit,” pahabol niyang pahayag.