Baron Geisler posts ‘may asim pa’ topless photos

Baron Geisler shows off his leaner physique.

Baron Geisler posts ‘may asim pa’ topless photos-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/14/2022 04:20 PM
Baron Geisler posts ‘may asim pa’ topless photos
Photo credit to @baron.geisler Instagram

Kakaibang Baron Geisler ang bumulaga sa netizens sa pinakahuling post ng aktor sa kanyang social media account habang nagbabakasyon sila sa Capitan City, Zamboanga del Norte ng asawang si Jamie Evangelista.

Sa Facebook post ni Baron noong Sabado, September 10  ay buong pagmamalaki niyang ipinakita ang kanyang mga larawan na naka-topless. Kitang-kita dito ang malaking pagbabago sa kanyang katawan. Kapansin-pansin din na nabawasan ang kanyang timbang, nagkaroon ng mga abs at higit sa lahat ay ang pagkakaroon niya nang maaliwalas na itsura na malayo kumpara sa dating Baron.

Pinuri naman ng netizens ang malaking transformation na ito ni Baron na mababasa sa thousands of comments sa Facebook. Ayon sa kanila, isang malaking inspirasyon para sa kanila ang ginawa ni Baron na maging physically fit at his age.


BASAHIN: ‘God restores’: Baron Geisler, wife patch things up

Ang iba naman ay ikinumpara pa si Baron sa hunky actor at ultimate leading man na si Piolo Pascual or Papa P at tinawag si Baron na Papa B.

Nag-react din si Baron sa komento namin sa kanya na, “Wow, ang hot! Dapat ganyan ka lagi!”

Sagot niya, “Salamat, Mama Leo. May Asimovs pa. Hahaha! Labyu!” Na ang ibig sabihin ay kahit 40 years old na siya ngayon ay meron pa rin siyang asim.

Umani rin ng libu-libong reactions na karamihan ay mga heart emoticon ang naturang topless photos ni Baron sa FB na ikinatuwa ng award-winning actor.

Ayon kay Baron, ang kanyang mga pictures ay kuha mismo ng kanyang asawa na si Jamie na sa nakikita namin ay mukhang okey na ult ang relasyon.

Bukod nga pala short vacation sa Dapitan City ay nandon din ang aktor para sa Cinemalaya 18 Festival of Winners kasama ng iba pang celebrities na previous winners din ng Cinemalaya. Nanalo si Baron sa naturang local film festival bilang best actor sa pelikulang Jay.

BASAHIN: ‘We love you’: Baron Geisler’s wife greets him on his birthday

Meanwihile, bibida si Baron sa pelikulang Dollhouse na mapapanood sa Netflix sa October 7, 2022. Gagampanan ni Baron sa Dollhouse ang karakter ng isang dating iresponsableng ama na nagsisi sa kanyang kapabayaan pero sa huli ay gumawa ng paraan para makasama ang kanyang lovely daughter at muling mabuo ang pamilya.