• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi man matutuloy, umaasa ang maraming Kapamilya fans na muling masilayan ang kanilang mga idolo na rumampa sa taunang selebrasyon ng ABS-CBN.

ABS-CBN Ball 2022 to be postponed

Hindi man matutuloy, umaasa ang maraming Kapamilya fans na muling masilayan ang kanilang mga idolo na rumampa sa taunang selebrasyon ng ABS-CBN.

ABS-CBN Ball 2022 to be postponed-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/14/2022 06:04 PM
ABS-CBN Ball 2022 to be postponed

Sa kabila ng maagang paghahanda ng mga Kapamilya stars para sa sanang pagbabalik ngayong taon ng ABS-CBN Ball, isang anunsyo ang ibinahagi ng ABS-CBN Corporate Communications sa kanilang social media account kung saan ipinabatid nito na “postponed” ang ABS-CBN Ball na gaganapin sana this coming October 2.

“Given current circumstances, the ABS-CBN Ball scheduled on October 2 is postponed,” bungad ng ABS-CBN Corporate Communications sa nasabing statement.


Sa bahagi ng statement, pinasalamatan rin ng ABS-CBN ang mga Kapamilya fans na patuloy na sumusuporta sa mga programa nito.

“We remain grateful to our Kapamilya stars, industry partners, and friends for their unwavering support,” pahayag sa statement.

Taong 2020 nang huling ginanap ang ABS-CBN Ball na unang nakilala bilang Star Magic Ball.