• Home
  • Fresh Scoops
  • Thankful rin si Jayda Avanzado sa suporta ng kaniyang celebrity parents na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza.

Jayda Avanzado, handa na para sa kaniyang first acting project na ‘Teen Clash’

Thankful rin si Jayda Avanzado sa suporta ng kaniyang celebrity parents na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza.

Jayda Avanzado, handa na para sa kaniyang first acting project na ‘Teen Clash’-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/13/2022 03:01 PM
Jayda Avanzado, handa na para sa kaniyang first acting project na ‘Teen Clash’
Photo credit to @jayda Instagram

Handa na para sa kaniyang first-ever acting project ang Star Magic artist na si Jayda Avanzado na bibida sa upcoming iWant TFC project na Teen Clash.

Sa nasabing proyekto makakasama ni Jayda ang Kapamilya stars na sina Aljon Mendoza at Markus Paterson.

“Opo, ito po ‘yung first official project ko as an actress,” excited na bungad ni Jayda.


Ayon sa Star Magic artist, baguhan man sa acting, unti-unti aniya siya nag-adjust para paghandaan ang kaniyang bagong career path aside from singing.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jayda (@jayda)

“Feeling ko naman po nauunti-unti ko naman po (adjustment) nag-start po ako sa directorial works ko po sa music videos ko po ‘yung ‘Kung Paano Naging Tayo’, and ‘M.U Malabong Usapan’ so feeling ko ‘yun na rin ‘yung unti-unti kong preparation for this project and nakapag-acting workshop po ako in the past, that’s part of my whole process,” ani Jayda.

Perfect timing rin para kay Jayda ang naging announcement ng kaniyang iWant TFC project dahil all set na rin and sapat na ang kaniyang naging preparation para dito.

“I feel like, this is the right time for me to go into acting rin po and nagkakaroon na rin po and napi-feel ko na rin po ‘yung parang hilig na nag stem na rin sa art form ko,” ani Jayda.

Dahil sasabak na rin sa acting, all out support rin ang kaniyang mga magulang na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na super happy para sa bagong project.

“Siyempre po, sobrang saya po sila para sa akin and two years in the making na rin po ang project na ‘to since 2020 pa po nung na pitch po sa akin to ni Inang Olive Lamasan and it holds me for a long time and finally na announced na rin.”

Speaking of excited parents, tiwala rin aniya ang mga magulang ni Jayda sa mga proyektong ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN kaya naman hindi rin aniya masasabing “stage parents” ang mga ito.

“Hindi naman po, honestly when it comes to roles, iniisip rin po namin kung ano po ang bagay po sa akin and sa image ko, so ako naman po, I feel that I am in very good hands with ABS-CBN and Black Sheep behind this project so I feel that I am very safe with them and I trust the process.

Sa huling bahagi ng 2022, mapapanood na ang Teen Clash sa iWant TFC.