• Home
  • Fresh Scoops
  • Kinundisyon ni Julia Barretto ang kanyang sarili sa pagsusuot niya ng sexy outfits.

Direk Jason Paul Laxamana nagulat sa tapang ni Julia Barretto sa mga bikini scenes sa ‘Expensive Candy’

Kinundisyon ni Julia Barretto ang kanyang sarili sa pagsusuot niya ng sexy outfits.

Direk Jason Paul Laxamana nagulat sa tapang ni Julia Barretto sa mga bikini scenes sa ‘Expensive Candy’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/13/2022 12:24 PM
Direk Jason Paul Laxamana nagulat sa tapang ni Julia Barretto sa mga bikini scenes sa ‘Expensive Candy’
Photo credit to @jplaxamana Instagram

Ang Expensive Candy ang pinaka-daring na pelikulang ginawa ni Julia Barretto kaya kahit sa look test pa lang ay in-embrace na niya ang karakter ni Candy bilang isang sex worker sa pamamagitan ng pagsusuot niya ng sexy outfits. Gusto rin ng aktres na masanay agad sa kanya ang production team kaya yung ayos niya sa look test ay parang in character na agad.

“Siguro kinundisyon ko lang yung mind ko nu’n. It’s mind conditioning. It’s conditioning for my mind from the very beginning. Nung look test pa lang. Kaya ganu’n na agad ang suot ko, kasi talagang gusto kong makita na ako ng lahat ng crew nang naka-ganun para masanay na sila, eh,” paliwanag ng aktres.

Tinanggal din daw niya ang lahat ng inhibitions during the shoot lalo na sa mga eksenang nagsasayaw siya na naka-two piece bikini lang.


“Pati ako, I was conditioning myself already. Hindi na ako nag-dwell doon sa outfit o kung anong gagawin… hindi na. I’m really not the type of person who dwells,” diin pa niya.

Ikinagulat naman ni Direk Jason Paul Laxamana ang pagiging game ni Julia sa mga eksena nila. Ang ini-expect niya kasi ay pababawasan ni Julia ang tao sa set o kaya naman ay pagsabihan ang mga ito na huwag tumingin nang awkward sa aktres para hindi ito ma-conscious pero nagulat daw siyang hindi raw iyon hiniling ni Julia.

Saad ng direktor, “For that, another manifestation of bravery, na hindi siya yung nagpakaarte na, ‘Ay, bawasan yung tao d’yan. Walang titingin. Out muna lahat.’ Walang ganu’n. Wala kaming ganu’n.”

BASAHIN: Marjorie Barretto inihanda ang sarili bago panoorin ang ‘Expensive Candy’ ni Julia Barretto

Reaksyon naman dito ni Julia, “Parang gusto ko lang din malaman ng buong crew na, alam mo yon, I trust them. Ayoko lang magkaroon ng tension, ng awkwardness na nagre-request ako ng ganu’n. It’s a team para mabuo ang pelikula.

“Team kami, hindi lang kami ni Caloy (Carlo Aquino) dahil kami lang ang nakikita sa screen. Kailangang maramdaman nila na pinagkakatiwalaan ko sila.”

Ayon pa kay Julia, naging epektibo naman daw ang ginawa niyang mind conditioning sa sarili at sa kanyang mga katrabaho sa Expensive Candy.

“Look test pa lang kinundisyon ko na ang sarili ko pati ang mga boys doon na, ‘Heto na ako for the next two weeks, three weeks of our lives.’ And nasanay din sila. Everybody got used to it, Caloy got used to it,” saad ni Julia.

Dagdag pa niya, “Hindi ako ma-drama sa ganu’ng aspeto. I really don’t dwell. It’s just I was ready, I was excited, and I really enjoyed lalo na yung wardrobe. After a while, ako na yung namimili nang isusuot. Minsan yung ibang wardrobe binibigay nang naka-hanger. Yung sa akin, binabato na lang sa akin kasi nga ang liliit ng suot ko doon,” natatawang kuwento pa ni Julia.

BASAHIN: Carlo Aquino nahirapang tingnan nang may malisya si Julia Barretto sa ‘Expensive Candy’

Handa naman daw si Direk Jason kung saka-sakali magre-request si Julia ng costume na hindi masyadong revealing.

“Ako, I was willing to tone down the outfits kasi, siyempre, ang habol ko kay Julia nu’n yung acting niya.

“Parang Plan B ko na yon, eh. I’m willing na si Julia meron lang pa-tuwalya para hindi masyadong daring. Nung nag-look test kami, na-shock ako du’n sa mga outfits na pinili niya saka nung wardrobe. ‘Ah, okey. Ganito pala.’ So yon pala, sige,” kuwento ng direktor.

“Alam naman natin na galing si Julia sa mainstream so I would understand kung meron siyang mga inhibitions or limitations kaya I was really shocked nung look test na ‘Ah, okey. Willing pala siyang umabot sa ganito. Eh, di, sige,’” pagmamalaki niya sa kanyang lead star.

Mapapanood ang Expensive Candy sa mga sinehan simula September 14.