• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi rin ni Zeinab Harake kung sinu-sino ang mga gusto niyang makatrabahong artista.

Zeinab Harake, gustong maka-collab si Piolo Pascual ng 24-hour handcuff challenge

Ibinahagi rin ni Zeinab Harake kung sinu-sino ang mga gusto niyang makatrabahong artista.

Zeinab Harake, gustong maka-collab si Piolo Pascual ng 24-hour handcuff challenge-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/12/2022 07:03 PM
Zeinab Harake, gustong maka-collab si Piolo Pascual ng 24-hour handcuff challenge
Photo credits: @piolo_pascual on Instagram (left)

Celebrity endorser na rin ang sikat na social media influencer na si Zeinab Haraki ng Beautederm Corporation.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

Si Zeinab na mayroong 50 million followers across all her social media platforms tulad ng YouTube, Twitter, TikTok, Facebook at Instagram ay kinuha ng Beautederm Corporation para mag-endorse ng kanilang oral care products.


Kinikilig na ibinahagi ng sikat na social media influencer sa kanyang contract signing at presscon ng kompanya ni Rhea Tan na masaya siyang maging ambassador ng sikat na local brand alongside Piolo Pascual.

“Si Sir Piolo nag-comment siya do’n sa isang Tiktok video ko na… Tapos nag-comment talaga siya na, ‘Arat na!’ Kasi picture ko po ‘yung Arat Na! sa Youtube channel ko,” ani Zeinab.

“Nung nag-comment siya ng ‘arat na,’ sabi ko, Diyos ko po, Mommy Rei (Tan, CEO of Beautederm). Tapos sabi niya pagsasamahin niya raw po kami ni Piolo. So ‘yun po ‘yung nilo-look forward ko, na makasama sa mga magiging work ko dito,” excited na pahayag ni Zeinab.

May movie offers na rin ba sa kanya?

“Actually, meron na po talaga dati pa po. Nung nag-start pa lang po ako sa YouTube career ko – more on movies, management,” pagtatapat niya. “Kaya lang po, ayoko rin po i-crossover ‘yung linya ko kung nasaan lang ako,” dagdag pa niya.

READ: Zeinab Harake and Skusta Clee expecting a baby girl

“Parang sa dami rin po ng responsibilities ko, number one may babies na ako. Hindi ko po masabi ng hundred one percent na hindi ako tatanggap. But ‘yun nga, piniili po talaga namin maigi and hindi po ako magmamagaling at magdudunung-dunungan sa mga bagay na hindi ko naman po talaga linya,” aniya.

“So, if ever po ngayon, ito po ‘yung isasagot ko. Stay lang po ako kung saan po ako ngayon, happy and contented na po ako,” katwiran niya.

Kinikilig naman ang reaksyon ni Zeinab nang taungin kung gusto rin ba niyang makasama si Piolo sa pelikula.

“Siguro kung bibigyan po talaga ako ng opportunity na one in a million lang din talaga at ganung pagkakataon. Kung tingin ko po na kaya ko gagawin ko po ‘yung pinaka-very-very best ko,” aniya. 

“Pero kung tingin ko naman po na hindi ko kayang gampanan hindi ko na lang po ipipilit. Mahirap pong ipilit yung mga bagay na ‘yun. Depende po talaga kung puwede ko siyang gampanan o hindi, Magiging totoo lang po ako palagi sa sarili ko,” dagdag niyang katwiran.

Si Piolo ay endorser din ng sikat na local brand na ini-endorse ni Zeinab.      

Ayon pa sa sikat na influencer, bukod sa possible movie project ay gusto rin daw niyang magkaroon ng content sa kanyang vlog sa YouTube kasama si Piolo.

“Hindi na po ako lalayo – si Papa P po. Sabi ko nga, 24-hours handcuff challenge lang kami okey na ako. Oo, gusto ko siyang maka-collab. Sa tingin ko sobrang cute din non kasi artista si Papa P,” aniya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

“What if dalhin natin siya sa YoutTube tapos gagawa siya ng challenge tapos 24-hour challenge ang uso sa mga YouTuber. So sana mapagbiyan – Papa P, baka naman po,” kiniklig niyang pakiusap sa aktor.

Dagdag pa niya: “Gusto ko rin pong maka-collab si Carlo Aquino. Kasi nakikita ko siya bata pa lang ako talaga. Siya ‘yung crush-crush ko dati sa Taging Ina nila ni Ms. Ai-Ai (delas Alas).”

Bukod kina Piolo at Carlo ay gusto ring maka-collab ni Zeinab ang asawa ni Marian Rivera na si Dingdong Dantes.

Samantala, hindi naman mahalaga sa Beautederm CEO and president kung anuman ang kontrobersyang pinagdaanan ni Zeinab sa personal niyang buhay nitong mga nagdaang buwan.

Ayon kay Rhea: “Kasama siya sa ating mga kababaihan na nasasaktan, ‘di ba? Pero tumatayo ulit. Batu-bato sa langit sa mga kalalakihan diyan, pero ‘di ba, hindi sila yung… Oo, minahal natin pero pag nasasaktan ka na, pag sobra na, let go.”

“Lagi kong sinasabi, ‘pag may mabigat, let go. Kasi tandaan mo lagi na may mas magandang ibibigay si Lord sa inyo. Bata pa kayo at marami pa kayong makikilala. At si Zeinab nabuhay siya ulit at mas na-bless pa siya. Mas sinuwerte. Mas masaya rin siya at mas blooming siya ngayon,” saad ni Rhea.

READ: Zeinab Harake, hiwalay na kay Skusta Clee; naapektuhan ang pagbubuntis sa umano’y pambabae

Pagpapatuloy pa niya: “Wala na sa akin’ yung mga controversies. Matatanda na tayo, kanya-kanya tayo ng stuggles sa buhay.  Hindi natin alam lahat ng pinagdadaanan ng ibang tao. Who are we to judge?”

“Kung saan sila masaya, let them. Ganun lang po kasimple ang buhay. At as long as ambassador ko siya, ginagawa naman niya ‘yung work niya, wala pong ano sa personal na buhay niya,” pagtatapos ni Rhea.

Reaksyon naman dito ni Zeinab: “Ako ngayon talaga mas pinipili ko po na kung saan ako dalhin ngg kapalaran ko palagi.”

“Sa araw-araw, kailangan ko lang gampanan yung trabaho ko. Kailangan ko rin maging totoo sa sarili ko and dapat i-maintain ko yung alaga ko sa sarili ko kasi hindi ka maaalagaan ng kahit sino kung hindi mo aalagaan ang sarili mo. So ‘yun po, mas pinipili ko na lang na maging happy,” ani pa ni Zeinab.