• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Nikko Natividad na excited na siyang gumawa ng mga proyekto sa ilalim ng Viva Artists Agency (VAA).

Nikko Natividad, walang balak pasukin ang pagpapaseksi; excited na muling makatrabaho ang ilang Hashtags members

Ibinahagi ni Nikko Natividad na excited na siyang gumawa ng mga proyekto sa ilalim ng Viva Artists Agency (VAA).

Nikko Natividad, walang balak pasukin ang pagpapaseksi; excited na muling makatrabaho ang ilang Hashtags members-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

09/12/2022 08:49 AM
Nikko Natividad, walang balak pasukin ang pagpapaseksi; excited na muling makatrabaho ang ilang Hashtags members
Photo credit to @hashtag_nikko Instagram

Nasa pangangalaga na rin ngayon ng Viva Artists Agency (VAA) ang Hashatags member na si Nikko Natividad. Pero hindi solong contract star ng Viva si Nikko dahil manager din niya si Becky Aguila na nagma-manage kina Andrea Brillantes at Jennylyn Mercado.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by NikkoDAKS (@hashtag_nikko)

Pumirma ng kontrata si Nikko sa Viva nitong September 8, 2022 na sinundan ng isang virtual mediacon.


Sabi ni Nikko, hindi niya raw pasasakitin ang ulo ng mga executive ng Viva dahil isang napakalaking karangalan daw ang maging bahagi ng isang malaki at kilalang entertainment company.

Aniya: “Hindi ko po pasasakitin ang ulo nila. Dapat mabait ka, lalo na sa trabaho. Tuwang-tuwa po ako lalo na noong unang meet ko kay Boss Vic del Rosario. Talagang bungad po niya sa akin, 'Pirma ka sa akin. Bibigyan kita ng mga movie. Sa ilang years mo na stay sa akin, may ibibigay ako sa 'yo na mga project. Hindi lang basta movie, may chance ka ring magsabi sa akin kung ano ‘yung mga gusto mong project.’”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by NikkoDAKS (@hashtag_nikko)

Excited din si Nikko sa posibilidad na makasama niya sa proyekto sa Viva ang kanyang mga dating kasamahan sa Hashtags na sina McCoy de Leon at Wilbert Ross, na ngayon ay mga talent na rin ng Viva Artists Agency.

“Nakakausap ko po sina McCoy, Wilbert tungkol sa tinatakbo ng mga career nila sa mga movie. Alam naman natin ang Viva, grabe sila mag-produce ng movie. Si Wilbert, parang every month may ginagawa na movie, so nagkaroon din ako ng idea,” saad ni Nikko.

Biri naman ni Nikko, wala siyang balak agawin ang trono ng kanyang kaibigang si Wilbert Ross pagdating sa paggawa ng mga seksi na pelikula.

“Lagi ko nga po siyang niloloko kasi kapag nagkakasama kami, noong hindi pa ako Viva, kapag may movie siya na gagawin, lalo na’ yung Boy Bastos. Dati, sabi niya sa akin, ‘Bro, yung bago kong role, ikaw ang naiisip ko. Parang ikaw ‘yung gusto kong gayahin’,” aniya niya.

READ: Zeus Collins and Nikko Natividad take the MRT

“Kasi siyempre, sa social media, medyo naughty po ako. Pero sabi ko sa kanya noong mag-Viva ako, ‘Huwag kang mag-alala. Hindi ko aagawin sa'yo ang trono dahil ikaw lang ang nakakagawa niyan. Napakaseksi mo talaga, Wilbert.' Lagi ko siyang binibiro nang ganoon,” pagbabahagi pa niya.

“Pero siyempre, pagdating sa sexy comedy projects, gusto ko magkatrabaho kami,” dire-diretsong kuwento ng aktor.

Sino ba sa mga contract star ng Viva ang gusto niyang makatrabaho?

“Sa totoo lang, ang gusto kong makatrabaho, si Jerald Napoles. Nag-message pa ako sa Instagram niya kasi kapag pinapanood ko ang mga movie niya, pati’ yung sa kanila ni Kim (Molina), sabi ko, 'Bro, sana magka-work tayo’,” ani Nikko.

“Feeling ko, siya ‘yung daks, si Jerald, kaya sabi ko, 'Kailangan magkatrabaho tayo para mapatunayan ko na mas lamang ako sa'yo’,” natatawa niyang pahayag.

Nilinaw naman ni Nikko na hindi siya magpapaseksi na katulad ng ginagawa ng ibang aktor sa Vivamax. Pakiramdam daw niya ay hindi bagay sa kanya ang ganung genre.

READ: Nikko Natividad of Hashtags gets married

“Sa kanila na lang ‘yun. Kay Wilbert na lang yon, mas bagay siya do’n,” natatawa ulit niyang sabi.