• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinagot na sa wakas ni Barbie Imperial ang isyung nag-uugnay sa kanila noon ni Daniel Padilla.

Barbie Imperial, pinabulaanan ang pagbisita sa bahay ni Daniel Padilla; isyung ‘mistress’ siya, matapang na sinagot

Sinagot na sa wakas ni Barbie Imperial ang isyung nag-uugnay sa kanila noon ni Daniel Padilla.

Barbie Imperial, pinabulaanan ang pagbisita sa bahay ni Daniel Padilla; isyung ‘mistress’ siya, matapang na sinagot-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

09/12/2022 11:33 AM
Barbie Imperial, pinabulaanan ang pagbisita sa bahay ni Daniel Padilla; isyung ‘mistress’ siya, matapang na sinagot
Screenshot from Barbie Imperial YouTube Channel

Sinagot na sa wakas ni Barbie Imperial ang isyung nag-uugnay sa kanila ni Daniel Padilla.

Matatandaang lumabas ang isyu tungkol dito kasunod ng hiwalayan nila ng kanyang dating nobyo na si Diego Loyzaga. 

Enero nitong taon nang unang kumalat ang bali-balitang may ugnayan sila ni Daniel matapos na makita si Barbie sa bahay ng ina ng aktor na si Karla Estrada.


Sa kanyang vlog, nilinaw ng aktres na hindi si Daniel ang dahilan kung bakit siya bumisita noon sa bahay ni Karla.

“Pumunta ako ng bahay ni Tita Karla [Estrada] kasi first kaibigan ko si Tita Karla, and si Magui [kapatid ni Daniel], kaibigan ko rin. And nung pumunta ako doon, kaka-break lang namin actually ni Diego nun. And ang mga kaibigan ko talaga na pinupuntahan, si ate Ara [Mina], si Tita Karla. So pumunta ako kay Tita Karla kasi wala si mama rito,” paliwanag ni Barbie.

“Ayaw ko kasi na pagkaka-break ko lang, emotional ako, pupunta ako ng gimikan, iinom. Hindi ganun. Parang lalapit ako sa parang mom talaga mag-advice. And para fair ‘yung advice, kasi si Tita Karla parang anak-anakan niya rin si Diego,” dagdag pa niya.

Patuloy ni Barbie, hindi sila nagtagpo ni Daniel dahil wala ang aktor noong bumisita siya sa bahay ni Karla.

“Wala si Daniel doon. Ang nandoon lang, si Tita Karla, family niya, si Magui. Andoon din ‘yung Beks Batallion. So for me, talaga ba? Kung may gagawin akong masama, andoon ‘yung Beks Battalion? Nasa vlog pa ako, ang bobo ko naman [kung ganun],” saad ni Barbie. 

Bukod dito ay mariin ding itinanggi ng aktres ang tsismis na si Daniel ang nag-“comfort” sa kanya noong nagmu-move on siya sa hiwalayan nila ni Diego. 

“Saan galing ‘to? Not true. Hindi. Wala akong ma-explain kasi ngayon ko lang nalaman ‘yung about this tsismis. Pero hindi, hindi totoo,” aniya. 

READ: Barbie Imperial dismisses rumored rift between her and KathNiel

Kung bakit ngayon lang niya sinagot ang isyung nag-uugnay sa kanila ni Daniel, inamin ni Barbie na nahihiya siya sa girlfriend ng aktor na si Kathryn Bernardo.

“Ngayon ko lang ata [sinagot] ‘to kasi nanahimik talaga ako eh. Kasi nung time na ‘yun, ‘yung nangyari ‘yung tsismis na ‘yun, syempre nahihiya ako unang una kay Kath. Kasi anong iisipin niya, ganito ganyan,” paliwanag ni Barbie.

Sa huli, idiniin ni Barbie na nirerespeto niya ang relasyon nina Kathryn at Daniel, o mas kilala bilang “KathNiel”, na ngayon ay mahigit isang dekada nang magkasintahan. 

Panoorin ang kanyang vlog dito:

Samantala, sa kanyang vlog ay matapang ding sinagot ni Barbie ang ilan pang kontrobersyal na isyu na kinasangkutan niya, kabilang na ang bali-balitang mistress siya ng isang politician at na may ugnayan sila ng anak ng presidente na si Sandro Marcos.