• Home
  • Fresh Scoops
  • Ito ang unang beses na makakatrabaho ni Vice Ganda at Ivana Alawi ang blockbuster movie director na si Cathy Garcia Molina.

Vice Ganda at Ivana Alawi, handa nga ba magpakilig sa Cathy Garcia Molina movie?

Ito ang unang beses na makakatrabaho ni Vice Ganda at Ivana Alawi ang blockbuster movie director na si Cathy Garcia Molina.

Vice Ganda at Ivana Alawi, handa nga ba magpakilig sa Cathy Garcia Molina movie?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

09/11/2022 09:03 AM
Vice Ganda at Ivana Alawi, handa nga ba magpakilig sa Cathy Garcia Molina movie?

All set na para sa kaniyang pagbabalik Metro Manila Film Festival ngayong 2022 ang Kapamilya host and Unkabogable Star na si Vice Ganda sa Partners In Crime.

Sa pagbabalik-MMFF ni Vice, makakasama niya ang Kapamilya sexy actress na si Ivana Alawi at ang blockbuster movie director na si Cathy Garcia Molina.

 


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

 

“Punong-puno ako ng excitement anticipation. Masaya lang ako,” bungad ni Vice sa naganap na story conference. “Masaya kong gagawin ito, buong-buo ‘yung loob ko, buong-buo ang puso ko na gagawin ko ‘to, handa ako. Actually nag-aabang ako ng araw na magsisimula kami, ina-anticipate ko siya.”

Ayon kay Vice na huling napanood noong 2019 sa 2019 MMFF entry na The Mall, The Merrier kung saan nakasama niya si Anne Curtis.

“Hinahanap na rin kasi ng katawan at ng sistema ko and at the same time, dati ang parang assignment ko ay patawanin ‘yung bawat pamilya tuwing Pasko. This time ang assignment ko naman ay pabalikin sila sa mga sinehan ngayong Pasko.”

Gaya ng excitement ni Vice sa kaniyang pagbabalik-MMFF, dobleng saya rin ang nararamdaman ni Ivana na first time sasabak sa annual film festival.

“Very happy to be with the queen, sabra. Actually ako kasi, birthday ko Christmas so naging bonding talaga ng family ko ang manood kay Ate Vice. Kaya ‘yung makasama ko siya ang saya sa puso and even ‘yung buong family ko sobrang happy sila. Kasi sobrang I really-really love Ate Vice,” ani Ivana.

Bukod sa excitement, dream come true rin para kay Ivana ang mapabilang sa MMFF na true and avid fan ni Vice Ganda.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Push (@pushalerts)

 

“Lagi ko rin nasasabi, kahit ang mama ko kung napapanood niyo, mahal na mahal namin siya and sa kanya kami tawang tawa. Nalilimutan namin ang mga problems before, mga ano pa ako non 20-21 lasingera days ko, I mean ang saya saya tapos ayun manunuood kami ng MMFF pagka-nood ayun kakain na kami sa labas. Kaya ang saya-saya ko pag birthday ko. I am happy at least this year, makaka-balik ulit ng sinehan.”

Looking forward rin sa magandang working relationship ang blockbuster movie director naman na si Cathy Garcia Molina na first time makakasama si Vice at Ivana csa proyekto.

“Ano nga e, tinatanong ko nga kung ano ginagawa ko rito e. Hindi kasi si Vice, alam naman natin na siya na ang reyna ng MMFF, so hindi na niya ko kailangan (laughs),” masayang tugon ng direktor.

“Seryoso! Siyempre kasi kumbaga, kaya na niyang patawanin ang tao, kaya na niyang i-entertain. So ano pa ang gagawin ko dito? Sabi ko ano nga ba ang gagawin ko dito? Sabi nila i-ka-Cathyfy ko si Vice. I don’t know that. I don’t do that. Hindi ko naman sadya ‘yun ang tanging alam ko ay gagawa kami ng kuwento together to make people happy.”

Ayon kay Direk Cathy na kilala sa pag-gawa ng kilig movies, hindi aniya mawawala ang tatak Cathy Garcia-Molina sa gagawing MMFF movie.

“Siyempre hindi na mawawala sa akin ‘yun I think as much as hindi mawawala kay Vice and Ivana ‘yung own brand nila, tingnan natin kung mag-wawagi ako, abangan niyo na lang.”

Up for the challenge with no pressure ang Unkabogable Star sa ipapagawa ng blockbuster movie director sa kanila ni Ivana.

“Actually mga tao lang naman ang name-mressure sa isa’t isa. ‘Yung ganun, pero ako naman, gusto ko lang gumawa ng pelikula palagi. Hindi naman siya pressure for me, excited ako talaga to be Cathyfied. kahit noong unang tagpuan namin, tinatanong nila ‘what do you expect sa akin’ ako I expect and willingly to to embrace ‘yung cathification of Vice Ganda this Christmas,” pahayag ni Vice.

Sa pangatlong linggo ng Setyembre aarangkada ang shoot ng Partners In Crime.