• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Sharon Cuneta ang mga huling sandali kung saan nakasama niya ang yumaong aktres na si Cherie Gil.

Sharon Cuneta, personal na nakausap si Cherie Gil sa New York ilang oras bago ito pumanaw

Ibinahagi ni Sharon Cuneta ang mga huling sandali kung saan nakasama niya ang yumaong aktres na si Cherie Gil.

Sharon Cuneta, personal na nakausap si Cherie Gil sa New York ilang oras bago ito pumanaw-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/08/2022 10:22 AM
Sharon Cuneta, personal na nakausap si Cherie Gil sa New York ilang oras bago ito pumanaw
Photo credit to @reallysharoncuneta Instagram

Bago pa man ang heartbreaking post ni Sharon Cuneta tungkol sa pagpanaw ng kaibigang aktres na si Cherie Gil ay nakiusap na siya sa kanyang tagasuporta na unawain ang kanyang nararamdaman.

Sa naturang post ng Megastar ay hindi niya direktang inamin na nasa New York City siya nang mga sandaling yon pero ang malinaw ay ang naging pahayag niya na isang malapit na kaibigang may sakit ang kailangan niyang dalawin.

“I flew to a place very far away from California to visit a very sick friend who happens to mean the world to me…,” ani Sharon. 


“I would really appreciate it if you would understand that I cannot do a requested video greeting every time it’s someone’s birthday or even a short answer to a comment on any of my posts, especially nowadays… Of course I wish I was a “robit who could give in to everyone’s wishes pero sa dami ninyo di ko kakayanin,” dagdag pa niya.

“Sometimes it becomes so tiring and makes me sad when I have to put up a brave front when no one really knows what is going on in my life… Thank you to all of you for your understanding and patience and love,” kabuuan ng kanyang post.

READ: Celebrities pay tribute to Cherie Gil

Nitong Biyernes, ika-5 ng Agosto, ay ginulantang ang showbiz industry ng balitang pumanaw na nga si Cherie sa edad na 59 sa isang hospital sa New York City. Kasunod nito ang post ni Sharon na nasa New York siya ilang oras bago bawian ng buhay ang veteran actress na naging kontrabida niya noong 1985 sa pelikulang Bituing Walang Ningning. 

Dito na rin inamin ni Sharon sa kanyang post umaga nitong Sabado, ika-6 ng Agosto, na si Cherie ang pinuntahan niya sa New York bagama;t hindi na siya nag-post ng larawan na magkasama silang dalawa dahil na rin siguro sa sensitibong kalagayan ng kaibigan.

Bukod sa isang mahabang post ng Megastar ay nagbahagi rin siya ng ilang masasayang video at film clips habang  magkasama sila ng yumaong kaibigan sa kanyang social media account na may caption na: “The industry has lost one of the very best actors it has ever produced. I have lost na part of myself no one can ever replace.”

Narito naman ang post ng pagdadalamhati ni Sharon tungkol sa pagpanaw ni Cherie Gil: “I flew to New York early yesterday with a heavy heart, still  forcing it to hang on to that sliver of hope of God performing a miracle & allowing you to pull through this,” simulang bahagi ng emosyunal na post ng Megastar. 

“I am eternally grateful to Him for giving us the few hours we spent together… the love & words yet again exchanged in person… the knowledge that the friendship forged when we were very young was stronger & would only keep getting so…” dagdag nito.  

Pagpapatuloy nito: “You told me about your tree to heaven outside of your apartment window which I didn’t get to see. We said “I love you” & I said I’d see you again today… & you raised both arms and gave me the thumbs up with both hands.”

READ: Cherie Gil diagnosed with ‘rare form of endometrial cancer’ — family

“Then barely eleven hours after I left you, I was awakened by his call saying you had passed… I leave New York now with a much heavier heart than ever before… because now I am leaving YOU with the knowledge that I will NEVER see you again…”

Ayon pa kay Sharon, sinabihan niya si Cherie na patuloy pang lumaban  sa sitwasyong  pinagdadaanan nito.  Inilarawan din niya ang kaibigan bilang “most important part of her life and her history.”

“I cannot process it. It seems so unfair. It will never be the same without you. I will never be the same without you. I told you that you had to fight,  please, because you couldn’t leave me & that you were my partner, that there is no one like you… You said yes. But God took you home, took all your pain away,” aniya.

READ: Sharon Cuneta on the passing of her friend Cherie Gil: ‘My heart is in pieces’

“I will never get to feed you ice chips again. Or share most everything else with you. Your kids are strong & love you so much. Mike & I won’t have to keep our talks about you a secret anymore like we did while taping our show. But I don’t know how we would want to. I thank God I was with your Dad & Mom & R & all your kids to ‘see you off’ -- but I am not happy,” dagdag pa niya.

“My heart is in pieces again & now I dunno how to put it back together anymore --because among the many loved ones I have lost these past few years, you were & always will be one of my most loved… a most important part of my life & my history. Of my heart. I love you so very much. It is the end of an era now that you’ve left us,” ani pa ni Sharon.

READ: Andi Eigenmann heartbroken over Cherie Gil’s passing

“What will I do without you now, Love? My true screen partner, a true friend, ninang of Simone… I miss you so terribly & know it will only get worse. Be at peace in God’s loving arms,my Cheech… I’ll see you again someday. I will love you with all my heart, forever. Thank you for everything,” madamdaming pamamaalam ni Sharon sa pumanaw na kaibigan.