• Home
  • Fresh Scoops
  • Opisyal nang ipinakilala ang “Asia’s Songbird” na si Regine Velasquez bilang bagong host ng morning talk show na “Magandang Buhay.”

Regine Velasquez, ipinakilala bilang opisyal na host ng ‘Magandang Buhay’

Opisyal nang ipinakilala ang “Asia’s Songbird” na si Regine Velasquez bilang bagong host ng morning talk show na “Magandang Buhay.”

Regine Velasquez, ipinakilala bilang opisyal na host ng ‘Magandang Buhay’-Push Team
BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/08/2022 11:24 AM
Regine Velasquez, ipinakilala bilang opisyal na host ng ‘Magandang Buhay’
Photo credit to @reginevalcasid Instagram

Opisyal nang ipinakilala ang "Asia's Songbird" na si Regine Velasquez bilang bagong host ng morning talk show na "Magandang Buhay." 

Naganap ang anunsyo sa ika-anim na taong selebrasyon ng programa nitong Lunes ng umaga, Agosto 8.

Sa kanyang speech, pinasalamatan ni Regine ang kanyang mga co-hosts na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros. Nagbigay din siya ng kanyang mensahe sa dating host ng programa na si Karla Estrada. 

"Gusto rin nating magpasalamat syempre kay Momshie Karla, who's been with Magandang Buhay for six years. She has become part of this show so thank you very much and happy anniversary to you also. Syempre bahagi talaga siya ng 'MB'," ani Regine.

Ayon sa singer, magkahalong kaba at saya ang nararamdaman niya ngayong opisyal na siyang parte ng "Magandang Buhay." 

"Kinakabahan ako, hindi ko alam. Pang-ilang beses ko na rito pero for some reason since I'm officially going to be part of Magandang Buhay, today I'm so nervous. Kabadong kabado talaga ako," pag-amin ni Regine, na dati nang nag-guest host sa programa.

READ: Regine Velasquez jokes about wanting to become a ‘sexy star’; addresses ‘Magandang Buhay’ stint

"Syempre I'm very excited. But I'm just a little nervous. Siguro kasi kasama 'yun... syempre kasi 'pag naging host ka, there's a certain responsibility. But I'm happy. I'm very, very happy to be part finally of 'Magandang Buhay'," sabi pa niya. 

Nito lamang Hulyo nang tuluyan nang nagpaalam si Karla sa Magandang Buhay matapos ang anim na taon bilang parte ng show.

READ: Karla Estrada leaves ‘Magandang Buhay’

Bago ipinakilala si Regine bilang kanyang kapalit, gumanap din bilang "special ku-Momshie" o guest co-host ng programa ang award-winning actress na si Judy Ann Santos.

READ: Judy Ann Santos joins ‘Magandang Buhay’ as guest co-host

Napapanood ang "Magandang Buhay" tuwing umaga sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TV5, A2Z Channel 11, and iWantTFC.