• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi nakapagpigil ang mang-aawit na si Moira dela Torre na sagutin ang isang basher na pumuna sa kanyang katawan.

Moira dela Torre, sinagot ang basher matapos ma-body shame

Hindi nakapagpigil ang mang-aawit na si Moira dela Torre na sagutin ang isang basher na pumuna sa kanyang katawan.

Moira dela Torre, sinagot ang basher matapos ma-body shame-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/08/2022 10:52 AM
Moira dela Torre, sinagot ang basher matapos ma-body shame
Photo credit to @moiradelatorre Instagram

Hindi nakapagpigil ang mang-aawit na si Moira dela Torre na sagutin ang isang basher na pumuna sa kanyang katawan.

"Konting push na lang, 'yan na ba talaga katawan mo ngayon?" ani ng netizen, na nag-react sa photo shoot ni Moira para sa isang sikat na online retailer sa Facebook.

"Not to offend ha, Ms. Moira. Para aware ka na. You know, mga lalaki katawan din tingnan," dagdag pa nito. 


Moira dela Torre sinagot ang basher matapos ma-body shame

Sa kanyang naging sagot, iginiit ng singer na kung magpapapayat man siya ay para ito sa sarili niya at hindi para sa isang lalaki.

"At the end of the day, every person deserves someone who can love them and be faithful to them in all their phases, in every season —sickly, healthy, thin or fat," giit pa niya.

"I hope you're eating well and that whoever you're with know your value and your worth whatever size you are," sabi rin niya. 

READ: Moira Dela Torre at Jason Marvin Hernandez, hiwalay na; pangangaliwa, kumpirmado

Matatandaan na hindi ito ang unang beses na nakaranas ng body shaming si Moira. Noong 2019, isang audience member mula sa kanyang show ang pumuna rin sa kanyang katawan habang siya ay nagpe-perform sa stage.

"To the rude kuya shouting 'ang taba mo laki mo moira panget taba' while I was performing last night... I was so tempted to look at you & give you a piece of my mind. But I didn't want anyone feeling how you made me feel. Even you," ani Moira sa kanyang Twitter post.  

READ: Moira Dela Torre claps back at a basher for calling her 'panget taba' at a gig

Paalala ng mang-aawit: "Women are beautiful whatever size."

"And may I be the last person you disrespect like that. May you learn to love yourself enough that you won’t need to bring people down just to feel ‘funny’ or important," hirit pa niya.