• Home
  • Fresh Scoops
  • Comedian-writer Isko Salvador magreretiro na sa showbiz after 43 years.

Isko Salvador, a.k.a. Brod Pete: ‘Laos na po ako!’

Comedian-writer Isko Salvador magreretiro na sa showbiz after 43 years.

Isko Salvador, a.k.a. Brod Pete: ‘Laos na po ako!’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/06/2022 03:34 PM
Isko Salvador, a.k.a. Brod Pete: ‘Laos na po ako!’
Photo credit: Brod Pete (Isko Salvador) Facebook Page

Nagpasya nang magretiro sa showbiz ang magaling na writer sa telebisyon at komedyanteng si Isko Salvador a.k.a. Brod Pete. Simple lang ang kanyang dahilan kung bakit tatalikuran na niya ang showbiz—laos na raw kasi siya.

Sa mismong Facebook account ni Isko niya ipinahayag ang kanyang pagreretiro nitong August 3, 2022. Ayon pa sa kannya, tapos na ang maliligayang araw niya sa entertainment industry.

Bagama’t hindi na mapapanood bilang komedyante at titigil na rin sa pagsulat ng script ang veteran comedian ay ipagpapatuloy pa rin daw niya ang kanyang “singing career” kasabay ng pagsasagawa ng online comedy writing workshop para sa mga nagnanais maging writer.


Ani Isko, “Yes laos na po ako after 43 years sa showbiz as a writer and comedian. I’m now retired. Nakakasawa din.

“But I am launching my singing career FYI—to pursue my true love—music!

“I’ve tried politics, mas nakakatawa kesa sa komedi ang politika. Di ako pinalad para konsehal. Siguro dahil sinabe ko na, para mawala ang baha, ipapasemento ko ang Marikina River. You don’t know soundbites—anyways—Marikina deserves less.”

READ: Mapapa-alien ka ba sa kanta ni Brod Pete?

Kasunod ng pahayag niya ang isa pang announcement:

“Btw, I am conducting an online comedy writing workshop/playshop! Sept 3, 7 pm, via zoom. 1k petot lang- 43 yrs of comedy writing in 3 plus hours,” sabi pa niya.

Hindi naman naniniwala ang ilang netizens sa mga naging pahayag ni Isko dahil mukha raw nagbibiro lang ang komedyante at hindi ito seryoso sa kanyang pahayag.

Si Isko ay dating napapanood sa Kapamilya show na I Can See Your Voice bilang isa sa mga singvestigator. Naging bahagi rin siya ng comedy show ni Mang Dolphy, Susan Roces, at Maricel Soriano na John En Shirley.