• Home
  • Fresh Scoops
  • Masaya si Arron Villaflor sa muling pagkakaroon niya ng showbiz projects.

Arron Villaflor naging ‘critical’ nang mawalan ng trabaho

Masaya si Arron Villaflor sa muling pagkakaroon niya ng showbiz projects.

Arron Villaflor naging ‘critical’ nang mawalan ng trabaho-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/05/2022 06:56 PM
Arron Villaflor naging ‘critical’ nang mawalan ng trabaho
Photo credits: @arronvillaflor05 on Instagram

Ayon sa aktor na si Arron Villaflor ay dalawang taon siyang walang trabaho simula nung lumipat siya sa Cornerstone Management pagkatapos ng matagal na pagiging Star Magic contract artist niya. Sobrang nami-miss na raw niya ang pag-arte at umaasa siyang mabibigyan ng trabaho ngayong nasa Viva Artists Agency na siya.

“It’s been a struggle for me like being floating for two years. It’s really hard for me with no work so I decided to transfer na rin. Sa akin naman, as long as it’s work walang problema sa akin, eh,” pahayag ni Arron sa PUSH sa ginanap na digital conference ng Viva.

“Nabigyan lang tayo ng pagkakataon at naniniwala ako sa timing. I guess, hindi lang naman ako yung nahiwalay o nawala sa ABS-CBN. Ayoko lang mabakante.


“I am not getting any younger. I’m thirty-two, so sobrang excited ako sa lahat ng projects na puwedeng dumating para sa akin,” dagdag pa ni Arron.

BASAHIN: Arron Villaflor seizes every opportunity to do well in support roles

Iginiit din ni Arron na wala siyang tampo sa ABS-CBN o sa Star Magic at maging sa Cornerstone na dating namamahala sa kanyang showbiz career.

Pahayag ni Arron, “At yung tampo, never akong nagtampo sa mga nakatrabaho ko. It’s just that gusto ko lang magtrabaho nang magtrabaho. It just so happened na hindi tayo nabigyan ng pagkakataon noong pandemic kasi lahat hirap naman talaga.

“Pagdating sa shooting, sobrang nagkaroon tayo ng mga limitation, so I decided to think, and I decided to transfer kung saan may work na available.”

BASAHIN: Arron Villaflor at Coco Martin, nag-reunion sa FPJ’s Ang Probinsyano

“Critical” naman kung ilarawan ni Arron ang mga panahong wala siyang trabaho sa showbiz. Mabuti na lang daw at kahit papaano ay may maliit siyang negosyo.

“Lahat tayo nahirapan noong pandemic. Hindi lang ako siguro sanay na walang ginagawa. Pero sa struggles na yon, naging busy na lang ako sa ibang mga bagay. I opened a new salon in Tarlac. I have my real estate so let’s be thankful na rin we’re alive at may mga pagkakataon tayo na ganoon,” pagre-recall niya.

“For being floating in two years, I guess nakatulong na din itong pandemic sa ating lahat especially to me. At first, medyo mahirap talaga kasi parang hindi mo alam kung anong gagawn mo, kung anong diskarte mo para magtuloy-tuloy ang trabaho natin.

“But then, I realized na siguro ito yung time na pinagpahinga tayo ng Diyos, masyado na kasi tayong pagod lahat. Spending time na rin with your family, loved ones and outing time na rin on yourself to rest. Pero sa akin kasi medyo naging critical yung stage na yon kasi gusto kong magtrabaho nang magtrabaho. Pero siyempre, hindi rin naman natin mapigilan yung mga ganung situation. But now I’m happy na I’m working again and it’s good to be back,” masayang pahayag ni Arron na ang initial project sa Viva ay ang Vivamax mini-series na ‘Wag Mong Agawin Ang Akin.

Si Arron ay produkto ng ABS-CBN talent search na Star Circle Quest bago naging artista. Taong 2004 nang mapabilang siya sa roster of stars ng ABS-CBN Star Magic at naging bahagi ng mga Kapamilya teleseryes at mga pelikula.

Sasabak na rin ba siya sa sexy roles?

“Magpapaseksi, yes! Pero frontal [nudity], hindi ko makakaya ang frontal, but sexy, hundred percent,” tugon ni Arron.