• Home
  • Fresh Scoops
  • Agaw pansin ang kasuotan ng isa sa mga hurado ng 2022 Binibining Pilipinas na si Cecilio Asuncion.

Boxers at Barong: Cecilio Asuncion, ibinida ang disenyong Pinoy

Agaw pansin ang kasuotan ng isa sa mga hurado ng 2022 Binibining Pilipinas na si Cecilio Asuncion.

Boxers at Barong: Cecilio Asuncion, ibinida ang disenyong Pinoy-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/04/2022 07:09 PM
Boxers at Barong: Cecilio Asuncion, ibinida ang disenyong Pinoy
Photo Credit: @yetasuncion on Instagram

Agaw pansin sa naganap na coronation night ng 58th Binibining Pilipinas nitong Linggo, Hulyo 31, ang isa sa mga hurado na si Cecilio o Cece Asuncion. 

Sa nga lumabas na litrato ni Asuncion, makikita ang kakaibang fashion statement na kaniyang ibinida sa finals night ng prestigious local pageant. 

Suot ni Asuncion ang Barong Tagalog na gawa ng Filipino fashion designer na si Avel Bacudio na tinernuhan ng shorts na ang tela ay mula sa Mindanao. 


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Cece Asuncion (@yetasuncion)

 

Bukod sa shorts, umeksena rin ang Filipino-designed telephone bag ni Asuncion na likha naman ni Zarah Juan. 

“For those who are asking, I am wearing @avelbacudio and the bag is from @zarahjuan, grooming by Joey from @brunos_salon and @msnikkiravenph Thank you!” caption ni Asuncion sa retrato. 

Cecilio-Asuncion-1

Paglilinaw ni Asuncion, kakaiba man sa paningin ng karamihan ang kaniyang pananamit, ito ang kaniyang paraan para ipakita ang pagmamahal sa sariling bayan. 

Si Asuncion ay ang founder and director ng United States-based modeling agency na Slay Model Management at isang purong Pilipino na based na ngayon sa Amerika. Nagbalik Pilipinas lang siya para maging hurado ng Binibining Pilipinas. 

Siya rin ang nagtanong sa 2022 Binibing Pilipinas first runner up na si Herlene Nicole Budol ng, “A beauty pageant is a space for transformation. What has been your biggest character transformation since you joined and how can this make you deserving of a crown tonight?” na isinalin rin mismo ni Asuncion sa wikang Filipino. 

Agad nasagot ni Herlene ang tanong sa wikang Filipino. 

“Para sa 'kin, isang karangalan na naka-tungtong ako dito sa Binibining Pilipinas bilang isang binibining hindi inaasahan. Para sa 'kin, ang sarap palang mangarap. Walang imposible. Isa po akong komedyante na laki sa hirap at ang aking transpormasyon ay ang magbigay ng inspirasyon because I know for myself that I am uniquely beautiful with a mission.” 

“It is time to love our language, hindi porke't nag ingles, eh mas matalino, Mabuhay ka @herlene_budol magpursige, lumaban at bumalik ulit. To all my Filipino followers, love our language, mahal ko kayong lahat @BBPILIPINASOFFICIAL,” dagdag ni Asuncion. 

Cecilio-Asuncion-2

Bukod sa pag batikos sa kaniyang kasuotan, dinipensahan rin ng Binibining Pilipinas judge si Herlene na gumamit ng wikang Filipino sa question and answer portion. 

“It has been an amazing homecoming, thank you to Binibining Pilipinas for having me as a judge. Matuto tayong mahalin ang Tagalog. Parte ito ng Kultura natin at dapat hindi ikahiya, at sa lahat na nagtatanong bakit ako naka shorts, ito ay dahil pinili kong magsuot ng gawa ng pinoy na designer na si Avel Bacudio na mula sa tela na galing sa Mindanao at ang bag ko naman ay gawa ni Zarah Juan. Mabuhay ka, Herlene ‘Hipon’ Budol at sa lahat ng kasali sa taong ito. I have lived in America for 22 years and derecho pa rin ako magtagalog dahil mahal ko ang bansa ko.” 

Cecilio-Asuncion-3

Cecilio-Asuncion-4

May binitawan din na pahayag ang Filipino judge sa mga bumabatikos sa kaniyang kakaibang fashion statement. 

“Sa mga bumabatikos sa pagpili ko ng suot ko, sana magsumikap kayo at balang araw, ma invite rin kayo mag judge. Love you, mean it!” pahayag ni Asuncion sa bahagi ng kaniyang caption sa isang litrato.