Inilunsad ng Kapamilya actor at congressman Arjo Atayde ang Kusina On Wheels o feeding program project na umiikot sa iba’t-ibang bahagi ng unang distrito ng Lungsod ng Quezon.
Ito ay proyekto ni Arjo para sa kanyang nasasakupan sa distrito ng Quezon City.
READ: Arjo Atayde, goodbye na nga ba sa showbiz?
Ilan sa mga lugar na narating ng kanyang Kusina on Wheels ang Barangay Alicia, Barangay Pag-Asa, Barangay Project 6, Barangay Ramon Magsaysay, at Barangay Sto. Cristo.
Magpapatuloy ang kanyang Kusina On Wheels na magaganap tuwing unang Biyernes ng buwan.
Samantala, nanawagan din si Arjo sa iba’t-ibang local government units (LGUs) sa Metro Manila na magtulungan upang masugpo ang mga pagbaha sa mga lugar sa buong Kamaynilaan.
READ: Arjo Atayde takes oath as a new Congressman of Quezon City
Ito ay kasunod nang mga kaliwa’t-kanang pagbaha sa Metro Manila kamakailan dulot ng malalakas na pag-ulan.