• Home
  • Fresh Scoops
  • Nais muna ni Mark Oblea na mag-focus sa kanyang karera sa pag-awit sa ngayon.

Mark Oblea, timeout muna sa pag-arte

Nais muna ni Mark Oblea na mag-focus sa kanyang karera sa pag-awit sa ngayon.

Mark Oblea, timeout muna sa pag-arte-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/31/2022 12:46 PM
Mark Oblea, timeout muna sa pag-arte

Timeout muna sa pag-arte si Mark Oblea matapos niyang bumida sa Pinoy teleserye na Init Sa Magdamag noong nakaraang taon. 

Ayon sa aktor, ito ay dahil nais muna niyang mag-focus sa kanyang karera sa pag-awit sa ngayon.

"Okay lang naman sa akin kung meron tayong magandang offer. Pero as much as possible ngayon, I'm focusing on my music muna," ani Mark sa online talk show na PUSH Bets Live.


Bukod sa paglabas ng bagong musika ay pinaghahandaan din umano ni Mark ang posibleng collaboration niya kasama ang iba't ibang kilalang mang-aawit sa bansa.

"Actually inaawitan ko na nga si Sir Pete ng Universal Records. Actually nilu-look forward ko si Julie Anne (San Jose). Si KZ (Tandingan), why not? Si Shanti (Dope), Gloc-9. Hopefully, hopefully. ... Tingnan natin. Exciting 'tong mga paparating," ani Mark.

Bagama't maganda ang takbo ng kanyang karera ngayon, inamin ng Pinoy BoyBand Superstar finalist na minsan na rin niyang naisip na talikuran ang industriya lalo na noong kasagsagan ng pandemya dahil sa COVID-19. 

"Honestly, yeah. Umabot ako sa puntong ganun. Lalong lalo na nung pandemya na ang daming nangyayari Very affected talaga tayo sa entertainment industry. Honestly, naisip ko talaga. Like, tama pa ba 'to? Andito pa ba ako sa tamang dinadaanan ko?" pag-amin niya.

"Pero lagi ko lang binabalikan, bakit ba ito 'yung gusto mong marating in the first place? 'Di ba. Nung time na naisip mo 'yung ganda ng pangarap mo. So bakit mo pa rin ba ginagawa 'yun hanggang ngayon?"

Upang lalong mapalakas ang kanyang loob, pinalibutan umano ni Mark ang kanyang sarili sa mga taong patuloy na sumusuporta at naniniwala sa kanya. 

"Ang ginawa ko is siyempre nag-root ako sa mga taong naniniwala sa akin. Pinalibutan ko 'yung sarili ko sa mga taong ganun," aniya. "For sure alam ko hindi lang naman ako 'yung nakakaranas nito eh. Lahat tayo, hindi natin inaakala, in an instant biglang magbabago 'yung ikot ng mundo."

"Pero 'yun pa rin eh. Naniniwala pa rin ako sa dreams ko at sa ganda ng pangarap ko. At siyempre sa sarili ko."

READ: EXCLUSIVE: Mark Oblea on why he never gave up on showbiz: ‘Malaki yung pagmamahal ko sa pangarap ko”

Sa ngayon ay excited na excited umano si Mark para sa future ng kanyang karera lalo na pagdating sa musika.

"Probably nagtu-tour na ako dito with my band. 'Yun 'yung nakikita ko," ani Mark. "Patuloy na nagsusulat, iba't ibang places ang napupuntahan, iba't ibang istoryang nasusulat, iba't ibang experiences ang nashe-share ko."

Ang PUSH Bets Live ay isang weekly online show na mapanood sa PUSH at ABS-CBN Facebook pages pati na sa push.com.ph.