• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagpaabot umano ng red envelope si Jinkee Pacquiao para kay Lolit Solis.

Lolit Solis, binigyan ng tulong pinansyal ni Jinkee Pacquiao para sa kanyang medical expenses

Nagpaabot umano ng red envelope si Jinkee Pacquiao para kay Lolit Solis.

Lolit Solis, binigyan ng tulong pinansyal ni Jinkee Pacquiao para sa kanyang medical expenses-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

08/31/2022 10:07 AM
Lolit Solis, binigyan ng tulong pinansyal ni Jinkee Pacquiao para sa kanyang medical expenses
Photo credit to @jinkeepacquiao and @akosilolitsolis Instagram

Nagpasalamat ang kolumnista na si Lolit Solis sa mga celebrity na tumulong sa kanya gaya ng asawa ni dating senador Manny Pacquiao na si Jinkee. 

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Manay Lolit kung paano siya tinulungan ni Jinkee sa pamamagitan ng kaibigan niya na si Bernard Cloma. 

READ: Lolit Solis, nakaranas ng depresyon: ‘Sana mauna na lang ako at magsama na kami ni Jokjok’


Si Bernard ay isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Jinkee. 

Ani Lolit, tumawag si Bernard kay Jinkee nang bisitahin siya ng PR agent sa kanyang dialysis session. 

“Alam mo ba Salve na mamahalin mo talaga si Bernard Cloma dahil kita mo concerned siya sa kanyang mga friends. Dumalaw siya sa dialysis session ko, at para lang mapasaya ako, tinawagan niya mga closest at sweetest friends niya na sila Jinkee Pacquiao at Alice Eduardo,” ani Lolit. 

“Talagang grabe ang tiwala at pagmamahal sa kanya ni Jinkee Pacquiao, dahil sa siguro sinabi ni Bernard ang dialysis ko, talagang sinabi niya kay Bernard na bigyan ako ng red envelope pambayad sa medical expenses ko,” dagdag pa niya. 

Pagpapatuloy ni Lolit: “Bongga talaga na isang call lang ni Bernard, hayan, bukas na agad ang palad ni Jinkee Pacquiao.”