• Home
  • Fresh Scoops
  • Ara Mina nakakakilig ang mensahe sa asawa na masusundan na ang kanilang mga anak.

Ara Mina binigyan ng intimate surprise birthday dinner ang asawang si Dave Almarinez

Ara Mina nakakakilig ang mensahe sa asawa na masusundan na ang kanilang mga anak.

Ara Mina binigyan ng intimate surprise birthday dinner ang asawang si Dave Almarinez-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/30/2022 10:41 PM
Ara Mina binigyan ng intimate surprise birthday dinner ang asawang si Dave Almarinez

Isang intimate surprise dinner ang in-organize ni Ara Mina nitong August 29, 2022 para sa 48th birthday ng kanyang asawang si Dave Almarinez. Ginanap ito sa Admiral Hotel Manila (M Gallery) na dinaluhan ng kanilang mga malalapit na kaibigan sa industriya, pulitika, ilang kapamilya, and of course ng inyong lingkod.

Ilan sa mga celebrities na nakita namin sa birthday dinner ay ang mag-asawang Patricia Javier at Doc Rob Walcher, Jessa Zaragoza and Dingdong Avanzado, at Jan Marini and Gerard Pizzaras.

Present din sa okasyon sina Kathleen Hormosa, Jose Sarasola, Jenny Miller, Teresa Loyzaga, at ilan sa mga co-stars niya sa FPJ’s Ang Probinsyano.


BASAHIN: Ara Mina, husband mark first anniversary as a married couple

Ayon kay Dave, ang mga nakasama niya sa gabing yon ay mga kaibigang nagkaroon ng impact sa kanilang buhay ni Ara at hinding-hindi raw nila ito makakalimutan.

Panay din ang pasalamat ni Dave kay Ara sa effort na ginawa nito sa pag-o-organize ng party para sa kanyang kaarawan.

Dumating din nga pala sa cebrasyon para makisaya ang anak ni Dave na si Kirsten Almarinez na naka-base sa Canada. Wala naman sa dinner si Mandy Meneses na anak ni Ara dahil may exams ito kinabukasan.

Sinigurado naman ni Ara sa nakakakilig niyang mensahe kay Dave na masusundan na ang kanilang mga anak. “Malapit nang dumating ang birthday gift ko sa’yo…. Mag-honeymoon na ulit tayo,” sabi pa niya.

BASAHIN: hAra Mina handa nang magbuntis; ibinahagi kung bakit nawala sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Mula sa amin sa PUSH happy birthday Dave!