• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Vivoree Esclito na inakala niyang katapusan na ng kaniyang pangarap ang naging stint noon sa ‘Pinoy Big Brother’.

Vivoree Esclito, muntik nang talikuran ang showbiz?

Ibinahagi ni Vivoree Esclito na inakala niyang katapusan na ng kaniyang pangarap ang naging stint noon sa ‘Pinoy Big Brother’.

Vivoree Esclito, muntik nang talikuran ang showbiz?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/03/2022 06:11 PM
Vivoree Esclito, muntik nang talikuran ang showbiz?

Extra special para sa Kapamilya star na si Vivoree Esclito ang kaniyang naging masayang experience bilang bahagi ng hit Kapamilya series na He’s Into Her kung saan ginampanan niya ang role ni Melissa Baylon.

At ngayong magtatapos na ang Kapamilya series na napapanood sa iWant TFC at Netflix, aminado si Vivoree na magkakahalong emosyon ang kaniyang nararamdaman lalo pa at naging malapit sa kaniya ang mga co-actors sa programa.


“Mixed emotions kasi I’m going to miss everyone here, and I am very grateful that I became part of this wonderful series. Grabe talaga ‘yung bond na nabuo namin, family na ang nabuo namin. Kasi alam naman na genuine and we’re always going to be there for each other and I am proud to be part of this family,” kuwento ni Vivoree sa PUSH.

In her six years sa show business, isa ang pagiging bahagi ng He’s Into Her ang naging rason aniya para ipagpatuloy niya ang kaniyang pangarap na maging isang artista.

Kasunod ito ng pagiging emosyonal ng Kapamilya talent sa media conference habang pinapasalamatan ang writers at director ng programa na naniwala sa kaniyang talento.

“Siguro marami talaga akong naging breaking points sa six years and within those years, ‘yung pinaka-una talaga, like pinaka-una akala ko paglabas ko sa PBB akala ko ‘yun na ‘yon, parang ‘a okay, siguro wala nang way para maabot ko ang dreams ko,’” ani Vivoree sa panayam.

Paliwanag pa ng Kapamilya talent: “Pero, I’m still here and siguro ‘yung ano rin ‘yung pagiging… you feel everything na nagiging too much na siya to handle so, ‘yun na rin na nahihirapan ako and ‘yun rin ang nagiging challenge ko hindi siya physically e, pero it’s in your head e, so it’s really important to take care of your mental health.”

Nakaramdam man ng kawalan ng pag-asa na ilaban ang kaniyang pangarap, nanatiling determinado si Vivoree na ibahagi ang kaniyang talento para sa mga taong patuloy pang naniniwala sa kaniya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @vivoree

“Siguro yung passion ko, ‘yung passion ko talaga to really share. Kasi feeling ko rin this is really my path and feeling ko ito rin ang calling ko, to make people happy to share what I have. Kasi siyempre, I know in myself that I have something to offer, so gusto ko talaga na maibahagi para at the end of the day, masabi ko kay lord na ‘lord, nagamit ko lahat ng binigay mo sa’kin,” masayang tugon nito.

Bukod sa tiwala ng creative staff ng He’s Into Her, thankful rin si Vivoree sa suporta ng kaniyang pamilya sa kaniyang pangarap na maging isang artista.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by @vivoree

“Supportive sila pero at the same time, they are tough to me. Like advise nila sa akin na ‘tell someone you trust kung ano ang mga problems mo,’ just anything. Importante rin kasi na may makausap ka about your  day, about anything kasi, minsan mahirap kasi talaga ‘yung ikaw lang mag-isa.”

Ngayong August 3, magtatapos ang kuwento ni Max and Deib na ginagampanan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa season finale ng He’s Into Her.

Bukod sa He’s Into Her, aabangan rin soon si Vivoree sa Tara G kasama ang new gen Kapamilya stars.