• Home
  • Fresh Scoops
  • Kylie Verzosa on new Binibining Pilipinas queens: ‘Happy ako for all the winners.’

Kylie Verzosa on new Binibining Pilipinas International winner: ‘I think fit siya do’n sa peg ng Miss International’

Kylie Verzosa on new Binibining Pilipinas queens: ‘Happy ako for all the winners.’

Kylie Verzosa on new Binibining Pilipinas International winner: ‘I think fit siya do’n sa peg ng Miss International’-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/03/2022 01:39 PM
Kylie Verzosa on new Binibining Pilipinas International winner: ‘I think fit siya do’n sa peg ng Miss International’
Photo credit to @bbpilipinasofficial and @kylieverzosa Instagram

Bilang dating beauty queen at 2016 Miss International ay hiningi ng press ang reaksyon ni Kylie Verzosa tungkol sa naging resulta ng katatapos lang na Binibining Pilipinas coronation night na ginanap nitong July 31. Naging isyu kasi sa ilang netizen ang matagal na pag-a-announce nina Catriona Gray at Nicole Cordoves sa nanalong Binibining Pilipinas International na si Nicole Borromeo ng Cebu. Inakala pa nga ng iba na merong  switching na nangyari.

Ayon kay Kylie sa ginanap na storycon ng bago niyang pelikula sa Viva Films na Baby Boy, Baby Girl masaya siya sa  napili ng mga judges at mga kinoronahang bagong beauty queens.

BASAHIN: Kylie Verzosa’s outfit gets noticed by Paris Hilton


Ani Kylie, “For me ha, ang ganda ng production value ng Binibining Pilipinas ngayon, and every year parang umaangat siya. Happy ako for all the winners.”

Okay din daw sa kanya na si Nicole Borromeo ang magre-represent sa Pilipinas sa darating na Miss International pageant na ginaganap taun-taon sa Japan.

“I think yung nanalo ng Binibining Pilipinas  International fit siya do’n sa peg ng Miss International,” diin pa niya. “And may iba din akong friend na tinuruan at nanalo and I’m very happy for them. Ang gaganda nila, ang gaganda ng mga queens ngayon,” sabi pa ni Kylie.

Pagkatapos maging beauty queen ay kaagad ding pumalaot sa showbiz si Kylie. Isa raw sa naging mantra niya nung nagsisimula pa lang siya ay huwag ikumpara ang sarili niya sa ibang tao.

“Hindi ko kasi kinu-compare yung track ng career ko sa iba. Kasi iba naman yung direction ko sa kanila. At saka ever since, hindi ko talaga kinu-compare yung sarili ko sa iba.

“Parang yon yung isang… siguro yon ang masasabi ko sa akin hindi ako mahilig mag-compare sa ibang tao. I just try to focus myself sa sarili ko lang, sa sarili kong self-improvement, self-development. Tapos I make sure na happy ako para sa success ng iba kasi ang feeling ko kapag ganun mas magaan sa buhay, mas magaan sa ‘yo na happy ka para sa kanila and I also believe na there’s enough to go around for everyone. So, parang yon yung ano ko, that’s how I think about life,” tuluy-tuloy niyang paliwanag.

BASAHIN: Kylie Verzosa, aminadong nami-miss pa rin si Jake Cuenca

Hirit pa ni Kylie, “Parang when it’s your time it’s your time. And sana kapag time mo you know when to use it at alam mo kung paano siya – when to step on the grass – or when to clap for others.”

Makakasama ni Kylie sa Baby Boy, Baby Girl na sinulat at ididirek ni Jason Paul Laxamana ang hunky actor na si Marco Gumabao na matagal na rin niyang kaibigan.

“Actually, nung nakita ko pa lang yung title na Baby Boy, Baby Girl, sobrang nagkainteres na ako sa project. Tapos nung pinitch na siya sa akin sobrang na-excite ako kasi I’ve been a fan of Direk JP’s (Jason Paul Lacsamana) work and I’ve always wanted to work with him matagal na. So nung in-offer na sa akin ito agad ko siyang tinanggap without a doubt, as in 100 percent go na.

“Tapos nung sinabi din sa akin na kasama si Marco, feeling ko nga si Marco yung unang kinast kasi for him talaga yung baby boy. Tapos nung binigay sa akin I was so excited kasi makaka-work ko ulit si Marco and then makaka-work ko si Direk, so I’m just very excited and very grateful to be working with them,” masayang kuwento ni Kylie sa PUSH.