• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Janelle Tee ang kanyang naging karanasan sa paggawa ng pelikula na “The Escort Wife.”

Dating Miss Earth PH Janelle Tee, twice na-experience ang girl-to-girl intimate scenes

Ibinahagi ni Janelle Tee ang kanyang naging karanasan sa paggawa ng pelikula na “The Escort Wife.”

Dating Miss Earth PH Janelle Tee, twice na-experience ang girl-to-girl intimate scenes-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/29/2022 04:11 PM
Dating Miss Earth PH Janelle Tee, twice na-experience ang girl-to-girl intimate scenes
Photo credit to @_janelletee Instagram

Unti-unti nang natutupad ang pangarap na maging artista and eventually ay kilalanin din bilang mahusay na aktres ang 2019 Miss Earth Philippines na si Janelle Tee.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Janelle ✨ (@_janelletee)

Aminado ang dating beauty queen na hindi ito magiging madali para sa kanya kaya ginawa niyang stepping stone ang pagpapaseksi para lang mapansin. 


“Ayun, I won in Miss Earth but after my reign, I tried to go into acting. Kaso, probinsyana akong galing Davao na walang kakilala, kaya andami kong rejections. But I didn’t give up, it turns out I was just being prepared so that finally, when the break came, ready na ako,” pagre-recall ni Janelle.

Dugtong niya: “Very conservative din ang aking pamilya. Mga probinsyana kami, payak ang pamumuhay.

“Sa ngayon, hindi pa nila gaanong maintindihan ang larangan na pinasok ko. I hope and  pray someday na maunawaan po nila,” umaasa pang pahayag ng dalaga

Hindi naman ikinaila na katulad ng ibang sexy stars ay nangangarap din siyang magkaroon ng Best Actress award balang araw. 

“My heart is full! I’m very grateful sa tiwala na ibinibigay sa akin sa bawat proyekto. I’ll continue to work hard to be the best I can be! I’m very much willing to learn more, put in the work needed to be the best actress that I wish and hope to be someday,” lahad ni Janelle sa PUSH.

“Mas lumawak ang perspective ko ngayon in life. We’re portraying a role and sharing real life stories when filming na nae-enjoy ko dahil marami akong natututunan sa bawat role na ginagampanan ko.

“Mas lalo akong naging open minded at sensitive sa mga realidad na nangyayari sa ating buhay,” wika pa niya.

Samantala, sa bago niyang pelikulang The Escort Wife na written and produced by Yam Laranas and directed by Paul Basinillo, inamin ni Janelle na ito ang most challenging role na ginawa niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Janelle ✨ (@_janelletee)

“Ako dito si Patricia, wife ni Raymond Bagatsing as Roy. My husband is very rich but I’m bored being cooped up inside our home all the time. Wala akong ginawa kundi panoorin yung mga taong nagdaraan by our window,” aniya.

“Then one day, I saw the woman living across having passionate sex with her partner. She’s Ava Mendez as Chrissy, an escort girl. I start stalking her and I discover my husband is one of her clients,” kuwento pa ng dalaga.

Hanggang sa mai-involved na raw siya sa karakter ni Ava. “Bale second time ko ito to have a lesbian bed scene after Putahe. Hindi talaga ako comfortable at naiilang talaga ako. Sa bagay, no love scene naman is easy, kahit sa lalaki man,” saad niya.

“But lalo na yung babae sa babae. But Ava is so kalog and perky that she made it so light kaya nagawa naman namin. Kaabang-abang ‘yung eksena namin,” natatawang sabi pa niya.

Eh, kumusta naman ka-eksena ang award-winning actor na si Raymond Bagatsing?

Tugon niya: “I know he’s really good, but he can be so intimidating kasi he’s so quiet. Kahit anong scene, super kalmado lang. I was wondering: makakaya ko kayang sabayan ito sa mga eksena namin.”

READ: Raymond Bagatsing: ‘I almost became a monk’

“He really guided me in our scenes together and it’s really an honor to have worked with him. I’m just grateful to be given the chance to work not only with him, but also with Direk Yam as our writer-producer, Direk Paul, and also Ava,” ani pa niya.

Nagbigay din ng opinion ang beauty queen-turned-sexy star tungkol sa mga escort girls.

“We really cannot judge escort girls kasi we’ve interviewed some of them to prepare for this movie and they have their own reasons. May binubuhay silang pamilya, may magulang silang may sakit, so for them, it’s just like any other job. I’m the kind of person who’d really want to understand them than to just quickly judge them,” sambit niya.

 Bukod sa The Escort Wife na streaming this September sa Vivamax ay kabilang sa mga naging projects ni Janelle ay ang Secrets, Pusoy, at Putahe.