• Home
  • Fresh Scoops
  • Inaasahan na ibabandera muli ni Herlene Nicole Budol ang wikang Filpino sa International pageant arena.

Herlene Nicole Budol is Miss Planet Philippines

Inaasahan na ibabandera muli ni Herlene Nicole Budol ang wikang Filpino sa International pageant arena.

Herlene Nicole Budol is Miss Planet Philippines-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/29/2022 08:24 PM
Herlene Nicole Budol is Miss Planet Philippines

Bagong chapter sa kaniyang pageant career ang tatahakin ng 2022 Binibining Pilipinas first runner up na si Herlene Nicole Budol na sasabak muli sa isang international pageant. 

Si Budol ang napili para maging official representative ng Pilipinas sa gaganapin na second edition ng Miss Planet International sa Kampala, Uganda.

Sa official social media page ng rising pageant organization, pormal nilang ipinakilala si Herlene bilang kanidata ng Pilipinas sa upcoming pageant na gaganapin this November 19, 2022.


READ: Herlene Budol, hakot awards sa Binibining Pilipinas 2022

“Philippines (🇵🇭) We are glad to announce that Herlene Hipon Budol first runner-up of Binibining Pilipinas 2022 will represent The Philippines at the Miss Planet International 2022 pageant to be held on November 19th in Kampala, Uganda "The Pearl of Africa.” caption ng pageant organization sa post.

Si Herlene ay handpicked o napili ng pageant organization para i-represent ang Pilipinas sa Miss Planet International na ang layunin ay ang magbahagi ng social awareness sa sustainable environment and causes.

Kumpirmadong 70 international lovely delegates ang maglalaban-laban para maging susunod na Miss Planet International.

Sa unang Linggo ng November tutulak sa bansang Uganda si Herlene para subukang sunkitin ang titulo ng Miss Planet International na ipapasa naman ni Monique Best ng South Africa.

READ: Herlene Budol transforms into Darna for her 23rd birthday: ‘Natupad na din ang pangarap kong magsuot ng Darna costume!’

Sa ngayon, abala si Herlene sa iba’t ibang showbiz commitments bago ang puspusang training sa gaganapin na kompetisyon.