• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi ni Seth Fedelin kung bakit niya binitawan ang inuuwian niyang condo noon.

Seth Fedelin, ipinaliwanag ang hindi pag-alis sa bahay kung saan siya lumaki kahit malaki na ang kinikita

Ibinahagi ni Seth Fedelin kung bakit niya binitawan ang inuuwian niyang condo noon.

Seth Fedelin, ipinaliwanag ang hindi pag-alis sa bahay kung saan siya lumaki kahit malaki na ang kinikita-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

08/28/2022 04:00 PM
Seth Fedelin, ipinaliwanag ang hindi pag-alis sa bahay kung saan siya lumaki kahit malaki na ang kinikita
Screenshot from Ogie Diaz YouTube Channel

Ipinaliwanag ni Seth Fedelin kung bakit hindi pa rin siya umaalis sa bahay kung saan siya sa lumaki kahit na malaki na ang kanyang kinikita bilang isang aktor at endorser. 

Sa pinakabagong vlog ni Ogie Diaz, sinabi ni Seth na isa sa mga dahilan kung bakit nananatili pa rin siya sa bahay sa Cavite. Dito ipinanganak at lumaki si Seth. 


Aniya, maliban sa naroon ang kanyang pamilya, maituturing niyang kaligayan ang pagtira roon dahil lahat ay nandoon na. 

“Home is family, happiness and everything. Lahat nandu’n. ‘Yung bahay namin, du’n ako pinanganak. ‘Yung kwarto ko ngayon, du’n ako pinanganak,” ani Seth. 

Ayon pa sa kanya, special sa kanya ang bahay na iyon dahil may sentimental value ito sa kanya. 

“As in ‘yung bahay na ‘yun napaka [special] sa akin. Wala pa ako, ‘yung bahay na ‘yun, bahay na,” aniya. 

Ayon pa sa Kapamilya actor, minsan na siyang naninirahan sa isang condo sa Quezon City ngunit dalawang beses lang siya umuuwi sa kanilang bahay noong mga panahong iyon. 

READ: Seth Fedelin on being open to working with Andrea Brillantes again: ‘Alam ko lang yung totoo’

“Kasi nu’ng nagsisimula po ako, tumira ako ng Don Antonio, [Quezon City], sa may Ever. And umuuwi lang ako sa bahay sa Cavite parang twice a month,” saad niya. 

Ngunit dumating ang panahon kung saan napagtanto niyang kailangan niya nang umuwi. 

“So, parang hindi ko nakumusta sila mama. Hindi ko sila masyado nakakausap. And September ng 2019, tumawag si Ermat. Sabi niya: ‘Anak uwi ka dito. ‘Yung lolo mo mukhang mamaalam na’,” aniya. 

“Umuwi ako nu’n. Umuwi ako ng Dasma nu’n. ‘Yun narealize ko na parang ‘ito na lang ba ‘yung gagawin ko? ‘Pag merong ganyan at saka ako pupunta? At saka ako maaalalang pumunta?’,” dagdag pa niya. 

Hanggang sa dumating na ang taong 2020 kung saan nagdesisyon siyang bumalik sa Cavite at bitawan ang kanyang condo. 

“So nag-2020. Nagsimula na ‘yung pandemic. Sabi ko talaga kay Mama: ‘Ma, bitawan ko ‘yung condo. Bumalik po ako nu’ng Cavite. Tapos pagbalik ko ng Cavite ang ginawa ko, ‘yung bahay, inunti-unti kong ipaayos,” saad ni Seth. 

READ: Andrea Brillantes and Seth Fedelin don’t want to work with each other for now

Aniya, hindi niya maatim, na maganda ang kanyang inuuwian ngunit hindi maayos ang tinitirhan ng kanyang mga magulang. Kaya naman nagdesisyon siyang ipaayos ito. 

‘Yung bahay namin tatlong kwarto lang. ‘Yung normal na bahay sa subdivision, which is dati, tingnan mo, sa condo ako nakatira. Sala ko may aircon, may heater ‘yung banyo ko, ‘yung dalawang kwarto ko sa condo, may aircon, may TV na maayos, ang ganda,” aniya. 

“Pero ‘yung bahay ko ito lang. Naka-vinyl lang. Walang aircon, ang init. ‘Yung CR, hindi maayos. Du’n ko narealize na ‘Ano ’to?’ Hindi tama ’to’,” dagdag pa niya.