• Home
  • Fresh Scoops
  • Diego Castro, di pa daw nakakausap si Isko Moreno tungkol sa kanilang mga anak.

Diego Castro ayaw i-pressure si Joaquin Domagoso na pakasalan ang anak na nabuntis

Diego Castro, di pa daw nakakausap si Isko Moreno tungkol sa kanilang mga anak.

Diego Castro ayaw i-pressure si Joaquin Domagoso na pakasalan ang anak na nabuntis-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/27/2022 11:21 AM
Diego Castro ayaw i-pressure si Joaquin Domagoso na pakasalan ang anak na nabuntis

Si Diego Castro na dating Star Magic artist at ngayon ay news anchor na ng One PH ng TV5 ang ama ni Raffa Castro na nabuntis ni Joaquin Domagoso na anak naman ni former Manila Mayor Isko Moreno. Ayon kay Diego nang makausap siya ng PUSH sa birthday party ng isang kaibigang showbiz reporter ay hindi pa niya nakakaharap nang personal ang ama ni Joaquin dahil naging abala ito noon sa kampanya.

Si Joaquin lang daw ang kanyang nakakausap at masaya siya sa desisyon ni Joaquin na panindigan ang nangyari sa kanyang bunsong anak na si Raffa.

“We were supposed to meet long time ago kaso nag-campaign siya tapos ako bago sa work ko sa news, so, ang schedule namin magkasalungat pero with Joaquin, siya yung nakakausap ko.


“Tapos after ng election nag-vacation na sila Yorme, so, siguro sometime soon magkikita-kita for lunch…we played by ear,” sabi ni Diego.

BASAHIN: Anak ni Isko Moreno na si Joaquin Domagoso, nakabuntis ayon kay Cristy Fermin; responsibilidad sa ina at sa bata, hinarap

Patuloy ni Diego, “Ayoko silang i-pressure kasi ang importante yung family ng anak ko at family ni JD (tawag kay Joaquin) masaya. Kasi siyempre, may mga problems na kailangang ayusin mga bata pa sila.

“Ang importante nanuon ako for them, nandun si Isko for them kahit hindi pa po kami nagkikita okay na yon.”

Ayon pa kay Diego, ayaw din daw niyang i-pressure si Joaquin na pakasalan si Raffa porke nabuntis niya ito at nagkaroon sila ng anak.

“They asked me kung anong opinion, sabi ko kay JD na it’s because you got my daughter pregnant you’re not force to get married.

“Sabi ko, ‘when you’re ready!’ Kasi alam ko yan, nangyari sa akin yan, eh. So, I don’t want them to commit the same mistakes,” pahayag ni Diego.

BASAHIN: Isko Moreno: ‘Isa sa mga blessings ay lolo na ako’

Samantala, nagbigay naman ng opinyon ang talent manager at content creator na si Ogie Diaz sa sitwasyon ngayon ni Diego at ng kanyang anak. Nahihiwagaan din daw siya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin humaharap kay Diego ang tatay ni Joaquin.

Ani Ogie, “Ito’y opinyon ko lang, ha! ‘Wag naman sanang magalit sila kung sinuman ang tatamaan nito, no! Ako bilang tatay tapos anak ko yung girl tapos hindi ko nakikita yung ama ng lalaking nakabuntis sa anak ko, ‘ay sandali!’

“Pero ako bilang ama ng babae dapat lang marapat na makita ko yung magulang hindi lang yung anak. Yes, nakita ko yung apo ko, pero sandali, asan na yung tatay mo?’

“Hindi naman natin puwedeng husgahan si Isko Moreno kung hindi pa siya nakikipagkita face to face kay Diego na parang feeling ko marapat lang bilang lalaki yung kanyang anak (Joaquin) at marapat lang bilang maginoo.

“Samahan mo yung anak mo, ‘Joaquin sasamahan kita kay Diego. Tayo makipag-usap na dalawa.’ Pero hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkikita. Iba pa rin kapag nakasuporta yung tatay ng lalaki. Okay yon lang doon lang ako nahihiwagahan.”