• Home
  • Fresh Scoops
  • Christine Bermas, mas challenging ang bagong role sa ‘Lampas Langit’.

Christine Bermas, sumabak sa kanyang unang girl-to-girl scene

Christine Bermas, mas challenging ang bagong role sa ‘Lampas Langit’.

Christine Bermas, sumabak sa kanyang unang girl-to-girl scene-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/27/2022 12:40 PM
Christine Bermas, sumabak sa kanyang unang girl-to-girl scene
Photo credit: @christinebermas_ Instagram

After the success of Scorpio Nights 3 ay may panibagong pelikula na naman ang sexy actress na si Christine Bermas. Sa Scorpio Nights 3 ay walang takot na nagbilad si Christine ng kanyang buong katawan pero napansin din naman ng mga kritiko ang husay niya sa pag-arte.

Sa kanyang bagong pelikula kasama ang award-winning actor na si Baron Geisler na may pamagat na Lampas Langit mula sa direksyon ng singer-actor na si Jeffrey Hidalgo ay kakaibang Christine naman daw ang mapapanood.

Aniya, “Yes, they say itinodo ko na raw sa Scorpio Nights 3 so ano pa ang bagong puwede kong ipakita in Lampas Langit? To be honest, nahirapan talaga akong bitawan ang character ko sa Scorpio as Pinay. Buti nga at iba naman itong Lampas Langit, less ang love scenes, more on acting siya at hindi basta sex lang. Iba naman kasi ang genre ng Lampas Langit.”


“It’s a romantic thriller. Kakabahan ka rito habang nanonood dahil sa mga plot twist. My character is not as wild as Scorpio but it’s more challenging for me kasi manipulator ako rito. I play Belle, na akala nila sa simula, anak ako ni Ricky Davao. Then I have an affair with our neighbor, si Baron Geisler na may asawa na. Manipulative ako rito and I want to control the people around me. It’s new for me and not like any of the past characters I’ve done before,” kuwento ni Christine tungkol sa kanyang role.

BASAHIN: Christine Bermas may frontal nudity sa ‘Scorpio Nights 3’; naiyak pagkatapos mapanood ang pelikula

First time din daw niyang makipag-love scene sa kapwa babae sa bagong pelikula ng Vivamax.

“Ang pinakaiba rito, may girl to girl sex scene ako with my co-star, si Chloe Jenna. I haven’t done such a scene before. May offers dati pero hindi ko tinatanggap kasi parang mas mahirap gawin yon,” lahad ng dalaga.

“I told Direk, hindi ako talaga gumagawa noon. Kasi parang nakikita yung nanay ko na kagagalitan ako. Sabi ko, baka hindi ko kayang gawin. But he said it’s another challenge for me and kailangan talaga sa story. And since first time din ni Chloe, I said, sige i-try natin,” paliwanag ulit niya.

BASAHIN: Christine Bermas, kinausap si AJ Raval bago gawin ang ‘Scorpio Nights 3’

Aminado si Christine na talagang medyo awkward ang nasabing eksena.

“Pareho kasi kami, first time namin to do a girl-to-girl scene. At hindi kami prepared, so tawa kami nang tawa sa shoot. We just took it as a new experience for both of us and I think naging successful naman yung eksena,” sabi pa ng sexy star.

Nagpapasalamat din si Christine na nagkaroon siya ng pagkakataong makatrabaho ang award-winning actor na si Ricky Davao. Aniya, marami siyang natutunan dito.

“I’m very thankful na nakatrabaho ko si Sir Ricky kasi napakaraming advice ang ibinigay niya sa akin. Wala po siyang ere and he really helped me in our scenes together. He even shared with me some methods in acting.

“He really treated me like a real daughter. Hindi siya maramot na aktor, very considerate siya, lalo at alam niyang baguhan ka,” kuwento ni Christine.

BASAHIN: Christine Bermas says she is wild in ‘Scorpio Nights 3’ but conservative in real life

Samantala, ayon naman sa direktor ng pelikula na si Jeffrey Hidalgo ay masaya siya sa kinalabasan ng kanyang pelikula.

“I’m very proud of everyone involved in Lampas Langit. It’s a good ensemble cast as everyone delivered more than what we expected. Sina Ricky Davao and Baron Geisler, they’re both seasoned actors at hindi matatawaran ang kakayahan at karanasan nila so they are really excellent in their respective roles.

“Chloe Jenna is a first timer but hasa siya sa teatro so she also delivered like a real professional. She plays Mylene, who’s loud and bipolar at malayo sa kanya in real life.

“As for Christine, she really amazed all of us as she’s just perfect sa pivotal role ng Belle. It’s a difficult role that requires cunning and subtle nuances of emotions and she played the character the way we imagined Belle should be,” pahayag ng direktor na unang nakilala bilang isa sa mga miyembro ng OPM group na Smokey Mountain.