• Home
  • Fresh Scoops
  • Tuwang-tuwa ang mga netizen sa Lapu-Lapu costume ng anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Sixto para sa Linggo ng Wika.

TINGNAN: Sixto Dantes bilang si ‘Yapu-Yapu’, kinagiliwan ng netizens

Tuwang-tuwa ang mga netizen sa Lapu-Lapu costume ng anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Sixto para sa Linggo ng Wika.

TINGNAN: Sixto Dantes bilang si ‘Yapu-Yapu’, kinagiliwan ng netizens-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/26/2022 11:47 AM
TINGNAN: Sixto Dantes bilang si ‘Yapu-Yapu’, kinagiliwan ng netizens
Photo credit: @marianrivera and @dongdantes Instagram

Tuwang-tuwa ang mga netizen sa Lapu-Lapu costume ng anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Sixto para sa Linggo ng Wika.

Sa Instagram nitong Biyernes, Agosto 26, ibinahagi ng mag-asawa ang retrato at video ng kanilang anak bilang si "Yapu-Yapu." 

"'Ako si Yapu-Yapu' — Sixto," ani Marian sa kanyang caption.


"Si Datu Puti," ayon naman sa post ni Dingdong.

Agad namang umani ng "likes" at lubos na kinagiliwan ng mga netizen ang cute na costume na ito ni Sixto.

"Ang cute naman ni Yapu Yapu," komento ng isang netizen.

"Hahahaha I love it!!!" dagdag pa ng isang tagahanga.

Nito lamang Abril nang ipinagdiwang nina Marian at Dingdong ang ika-3 kaarawan ng kanilang anak na si Sixto, na kilala rin bilang si Ziggy. 

BASAHIN: Marian Rivera, Dingdong Dantes celebrate son Sixto’s third birthday

Bukod kay Sixto, mayroon ding babaeng anak ang magkasintahan na si Zia Dantes, 6.