• Home
  • Fresh Scoops
  • Kilalanin ang mga aktres na gumanap bilang Valentina sa Mars Ravelo’s Darna.

8 aktres na gumanap bilang Valentina | Pushpins

Kilalanin ang mga aktres na gumanap bilang Valentina sa Mars Ravelo’s Darna.

8 aktres na gumanap bilang Valentina | Pushpins -Push Team
BY
Push Team

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/26/2022 12:23 PM
8 aktres na gumanap bilang Valentina | Pushpins

Hindi magiging iconic heroine ang role ni Darna kung walang arch-nemesis na katumbas.

Marami na rin ang naging kalaban ng sikat na superhero, pero walang mas hihigit sa tandem nila ni Valentina.

Sinu-sino ang mga ito?


Let’s find out.

1. Cristina Aragon

Si Cristina Aragon ang pinakaunang gumanap bilang Valentina sa kilalang film adaptation ng Darna noong 1951.

Ito ay mula sa direksyon ng orihinal na creator na si Mars Ravelo.

2. Celia Rodriguez

Ginampanan ng multi-awarded actress na si Celia Rodriguez si Dr. Valentina Vrandakapoor, Ph.D sa 1973 film na Lipad, Darna, Lipad!

Sa bersyong ito, ang iconic role ay isang doctoral degree graduate ng Reptilian Zoology mula sa University of New Delhi.

3. Melissa Perez Rubio

Sa 1989 film na Valentina ibinida ang backstory ng sikat na nemesis ni Darna.

Ibinigay ang role na ito kay Melissa Rubio.

Dito ay may kakayahan si Valentina na gawing bato ang sinuman - ang kapangyarihan na maihahalintulad kay Medusa.

4. Pilar Pilapil

Ginampanan din ni Pilar Pilapil ang role ni  Valentina noong 1991 kung saan si Nanette Medved ang gumanap bilang Darna.

Sa pelikulang ito nabigyang pansin ang kanyang pagiging fashionista.

May pet snake rin siya na pinangalanang Vibora.

5. Pilita Corrales

Noong 1994 ay si Asia’s Queen of Songs Pilita Corrales naman ang gumanap bilang Valentina.

Ang kanyang character ay may anak na nagngangalang Valentine, na pinagbidahan ng award-winning actress na si Cherie Gil.

Ang parehong karakter ay may buhok na puno ng ahas.

6. Alessandra De Rossi

Sa unang pag labas ni Valentina sa TV noong 2005 ay ang aktres na si Alessandra De Rossi ang gumanap sa supervillain.

Ginampanan ni Alessandra ang papel bilang kontrabida kasama si Angel Locsin bilang Darna.

7. Jodi Sta. Maria

Ginampanan din ni Jodi Sta. Maria ang sikat na role ni Valentina noong 2006.

Sa fantasy-drama anthology ng ABS-CBN na Komiks Presents, gumanap si Jodi bilang diyosa ng mga ahas sa “Valentina” episode.

8. Janella Salvador

Ngayong August 2022, si Janella Salvador ang napiling gumanap sa sikat na role ng Serpent Queen.

Ayon sa aktres, naging iconic ang character ni Valentina dahil sa mga naunang gumanap nito at ngayon ay gusto niyang magkaroon ng sariling bersyon nito.

Kasama sa Darna remake sina Jane de Leon bilang Darna, Joshua Garcia bilang love interest ni Narda, at Zaijan Jaranilla bilang Ding.