• Home
  • Fresh Scoops
  • Engaged na si Ejay Falcon sa longtime girlfriend nito na si Jana Roxas.

Ejay Falcon, nag-propose na kay Jana Roxas

Engaged na si Ejay Falcon sa longtime girlfriend nito na si Jana Roxas.

Ejay Falcon, nag-propose na kay Jana Roxas-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/22/2022 09:17 PM
Ejay Falcon, nag-propose na kay Jana Roxas
Photo credit to @ejaythefalcon Instagram

Mauuwi na sa kasalan ang relasyon ng Kapamilya actor-turned-Vice Governor ng Oriental Mindoro na si Ejay Falcon at girlfriend nitong si Jana Roxas na dati ring nag-aartista noon.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ejay Falcon (@ejaythefalcon)

Ginawa ni Ejay ang kanyang proposal para sa girlfriend sa intimate dinner para sa birthday ni Jana nitong August 22 na dinaluhan ng ilang mga malalapit na kaibigan at mga kapamilya.


“Alam kong birthday mo ngayon pero ibigay mo naman sa akin ang pagkakataong ito na ako naman ang may hihilingin. Gusto kitang makasama habang buhay. Will you marry me?” tanong ni Ejay kay Jana.

Umiiyak naman itong sinagot ni Jana ng: “Oo!”

READ: Ejay Falcon and girlfriend Jana Roxas pinasok na rin ang restaurant business

“In God’s perfect timing. I have had 32 birthdays in my lifetime but this so far has the best gift ever.. the gift of forever,” emosyonal pang pahayag ni Jana.

Ibinahagi rin ni Ejay ang kanyang nag-uumapaw na kaligayan at excitement na finally ay magiging misis na niya si Jana.

Aniya: “If I asked would you say YES? Together we are the very best. I know that I am truly blessed Every day I love you.”

“Excited and looking forward sa next chapters ng buhay natin together baby. Mahal na mahal kita. Happy birthday my future wife.”

READ: Ejay Falcon, ibinahagi kung paano nabago ni Jana Roxas ang pagkatao niya

Taong 2016 nang magkakilala sina Ejay at Jana na nauwi rin agad sa isang seryosong relasyon. Wala namang binanggit ang couple kung kailan nila balak magpakasal.

Congratulations to both of you, Ejay and Jana.