• Home
  • Fresh Scoops
  • May panibagong proyekto ang sikat na magkasintahan na sina Cong TV at Viy Cortez.

TINGNAN: Cong TV at Viy Cortez, may bagong investment

May panibagong proyekto ang sikat na magkasintahan na sina Cong TV at Viy Cortez.

TINGNAN: Cong TV at Viy Cortez, may bagong investment-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/22/2022 11:32 AM
TINGNAN: Cong TV at Viy Cortez, may bagong investment
Photo credit to @viycortez Instagram

May panibagong proyekto ang sikat na magkasintahan na sina Cong TV at Viy Cortez. 

Sa kanyang post sa Instagram, excited na ipinasilip ni Viy ang bakanteng bahay at lote na ipapagawa umano nila ni Cong at saka ibebenta.

"New investment," ani Viy sa kanyang caption.


 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Viycortez (@viycortez)

Ito ay kasunod ng anunsyo ni Viy na magpapagawa na sila ni Cong ng kanilang dream house kung saan papalakihin nila ang anak na si Kidlat.

"Pangarap ko ito, magkaroon kami ng sariling bahay ni Cong," ani Viy sa kanyang post sa Facebook. "Thank you Lord." 

READ: Viy Cortez reveals construction of ‘dream house’ ongoing; shares glimpse of design

Matatandaang nito lamang Hulyo nang manganak ang 26 anyos na vlogger at influencer sa unang anak nila ni Cong TV o Lincoln Velasquez sa totoong buhay. 

Pinangalanan ng magkasintahan ang kanilang lalaking anak na Kidlat o Zeus Emmanuel Cortez Velasquez. 

Kilala ang dalawa bilang ilan sa mga pinakasikat na vloggers sa bansa. Sa ngayon ay mayroong 10.3 million subscribers si Cong TV sa YouTube, habang si Viy naman ay may 5.91 million subscribers sa parehong video streaming platform.