• Home
  • Fresh Scoops
  • All out support ang iconic “Darna” actress sa paglipad ni Jane De Leon bilang this generation’s Darna.

Paglipad ni Jane De Leon bilang Darna, suportado ni Vilma Santos

All out support ang iconic “Darna” actress sa paglipad ni Jane De Leon bilang this generation’s Darna.

Paglipad ni Jane De Leon bilang Darna, suportado ni Vilma Santos-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/21/2022 07:02 PM
Paglipad ni Jane De Leon bilang Darna, suportado ni Vilma Santos

Isa ang iconic at veteran actress na si Star for All Season na si Vilma Santos sa mga nagpahayag ng kaniyang suporta sa paglipad ni Jane De Leon bilang bagong Darna.

Sa naganap na media conference ng Darna, isang video message ang ipinaabot ni Vilma na isa sa mga markadong bituin na nagbigay buhay sa karakter ng Pinay superhero.

“Si Darna ay isang local heroine na nilikha ni Mars Ravelo,” bungad ni Vilma sa video message.


 

 

“Babaeng matapang at handang ipagtanggol ang sinumang nangangailangan. I’m lucky enough na makagawa ng apat na Darna films,” ani ng aktres.

“Maraming nag-aasam na maging Darna. Icon na ‘yung character. Malaking malaking karangalan ‘yan para sa isang artista na tulad ko na makaganap bilang isang Darna,” patuloy pa ni Vilma.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)

 

Ilan lang sa mga markadong pelikula ni Darna na nagawa noon ni Vilma ay ang Lipad, Darna, Lipad, ang Darna and the Giants, ang Darna vs the Planet Women at ang Darna at Ding.

 

 

Tulad ng maraming bituin na gumanap rin bilang Darna, hangad ni Vilma na maging inspirasyon rin si Jane ng bagong henerasyon ng kabataan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by J A N E (@imjanedeleon)

 

“At ngayon Jane na ikaw ang napiling Darna, bigyan mo sila ng inspirasyon na meron pa ring pagmamahal, meron pa ring tiwala at meron pa ring pag-asa,” sambit ng Star for All Season.

At gaya ng pagpasa ni Leonor Custodio na ginampanan ni Iza Calzado ng bato sa kaniyang anak na si Narda, isang payo rin ang iniwan ng former Darna star para kay Jane.

“Ang daming humawak ng batong ‘yan. Ngayon, Jane, na sa ‘yo ang bato. Pangalagaan mo iyang mabuti. Maging ehemplo ka ng henerasyon ngayon,” pahayag ni Vilma.

Nitong, August 15 nagsimulang umarangkada ang pagbabalik ni Darna sa pangunguna ni Jane De Leon na gumaganap bilang si Narda at Darna. Mainit naman itong tinangkilik sa buong Pilipinas.

 

 

Isa rin sa inabangan ang grand reveal ng costume ni Darna na unang nasulyapan sa pagtatapos ng unang Linggo.

 

Patuloy na mapapanood ang Darna gabi-gabi sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN Entertainment sa direksyon ni Chito Roño, Benedict Mique, at Avel Sunpongco.