• Home
  • Fresh Scoops
  • Ayon kay Joshua, hindi maiwasan ang topless scène sa kaniyang mga eksena sa “Darna.”

Joshua Garcia, ipinaliwanag: Bakit nga ba may mga pa-topless scenes siya sa Darna?

Ayon kay Joshua, hindi maiwasan ang topless scène sa kaniyang mga eksena sa “Darna.”

Joshua Garcia, ipinaliwanag: Bakit nga ba may mga pa-topless scenes siya sa Darna?-Kiko Escuadro
BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

08/21/2022 07:11 PM
Joshua Garcia, ipinaliwanag: Bakit nga ba may mga pa-topless scenes siya sa Darna?

Not one. Not two. Maraming beses magakakaroon ng topless scenes si Joshua Garcia sa Darna.

Mainit na tinutukan ng maraming Kapamilya audience ang pilot week ng pagbabalik ni Darna sa telebisyon na pinangungunahan ni Jane De Leon.

Kasabay ng pag-ariba ni Darna, ilang karakter sa Mars Revelo comic series ang ipinakilala ng ABS-CBN kabilang na si Joshua Garcia na gumaganap bilang si Brian Robles bilang isang magiting na pulis.


WATCH:

Kasing init ng simula ni Darna, tila nagpainit rin sa ilang eksena ang Kapamilya actor na nag-topless sa bagong Kapamilya show.

“Story niyan nasa script talaga ‘yun. Bago pa magsimula ang Darna alam ko na may pa ganun,” tugon ni Joshua sa exclusive interview ng CinemaNews. 

Paliwanag rin ni Joshua, hindi aniya ito ang kaniyang first time na mag akita ng kaniyang katawan on screen. 

“It’s not my first time maghubad. Sa Killer Bride, nag topless din ako kaso payatot pa talaga nun. Ngayon kasi nagkakaroon ng kaunti lang naman kasi may preparation bago magstart ang Darna and nag exercise na rin ako, nakakapagworkout-workout.”

Bukod dito, hindi rin aniya niya sinadyang ayusin ang kaniyang katawan na kaniyang ipinasilip sa ilang eksena ng Darna.

“Hindi ko siya ginawa dahil sa Darna. Para rin sa sarili ko. Kita mo naman ,eventually nagamit sa Darna. Di naman ganun kaganda katawan. Pwede na rin,” masayang sambit ng aktor. 

Pagbibiro rin ni Joshua, tila hindi lang siya isang beses na magkakaroon ng eksena kung saan makikita ang kaniyang katawan.

“After ng paggawa ng scene na ‘yun, binabasa ko script, ‘Hala nakahubad na naman ako?’ Nagsusunod-sunod na siya! Siguro mabibilang ko sa kamay topless scenes. Parang ‘yung iba sinabi ko ‘Wag naman tayo nakahubad ditto. Lagi na lang tayo nakahubad.’ May scenes na pasuot lang ng damit,” masayang biro ni Joshua sa panayam.

Bukod kay Joshua, ilang karakter rin ang dapat pang abangan sa pag-arangkada ng Darna na napapanood sa iba’t ibang entertainment platforms ng ABS-CBN.