• Home
  • Fresh Scoops
  • Ang pakikipagrelasyon at pagkakaroon ulit ng bagong boyfriend ang pinakahuli sa priority ngayon ni Ruffa Gutierrez.

Ruffa Gutierrez ibinahagi ang sikreto kung bakit tumagal siya ng 36 years sa showbiz

Ang pakikipagrelasyon at pagkakaroon ulit ng bagong boyfriend ang pinakahuli sa priority ngayon ni Ruffa Gutierrez.

Ruffa Gutierrez ibinahagi ang sikreto kung bakit tumagal siya ng 36 years sa showbiz-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/20/2022 06:32 PM
Ruffa Gutierrez ibinahagi ang sikreto kung bakit tumagal siya ng 36 years sa showbiz
Photo Credit: @iloveruffag on Instagram

Ang pakikipagrelasyon at pagkakaroon ulit ng bagong boyfriend ang pinakahuli sa priority ngayon ni Ruffa Gutierrez. Naniniwala din ang former beauty queen na sa edad niya ngayon ay hindi na rin niya kailangang i-broadcast pa ang tungkol dito.

“Ang mga love life naman, puwedeng tahimik yan. Hindi kailangan i-broadcast. Love life should just add spice to your life. It shouldn’t be the major priority,” katwiran ni Ruffa.

Dagdag pa niya, “My God, para naman tayong teenagers! Nandiyan lang yan. Ang love life naman, when you’re at this age, kailangan makinig sa mga bagay-bagay na mas mahalaga para sa atin, like our family, our career, so we should be with a man that understands all that and can take the backseat when he has to, who support you when you need the support.


BASAHIN: Ruffa Gutierrez nagpatulong sa ibang manager para hindi ma-stress ang inang si Annabelle Rama

“Para sa akin, hindi naman kailangan tanungin na i-prioritize ang love life or i-prioritize ang career. Understood na lahat yan kasama na sa buhay natin. Ang pangit naman kung puro career na walang nagpapa-inspire sa ’yo, di ba? Ang importante, you know how to balance everything and live a well-balanced life.”

“I’ve been in the industry for 36 years and all the major superstars around the world may mga bashers. Hindi na dapat natin sila iniintindi and hindi natin iniintindi yung mga naninira kasi you’ll never be able to change their minds,” she said.

“Some people love you, some people won’t like you. Some people always change their minds about you. Ang importante you just remain true to yourself.”

36 years na sa showbiz industry si Ruffa kaya nagbigay na rin siya ng unsolicited advice sa mga batang artista kung paano sila tatagal sa ganitong klase ng business.

“Be professional. Always be on time. Don’t ever burn bridges kasi umiikot lang naman tayo dito sa showbiz, eh. Maliit lang naman ang industriya. Yung mga taong makakasama mo 20 years ago, makakasama mo ulit sila,” she said.

“As a matter of fact, yung mga tao sa productions dati, mga big bosses na ngayon. Tayo-tayo lang naman magkakasama and I think that’s the big secret that the young ones should emulate,” sey ulit ni Ruffa.

Iginiit din ni Ruffa na sa industriya ng showbiz ay napakahalaga ng pakikisama.

“You have to go with the flow and reinvent yourself. Be nice to people and huwag mong kalimutan yung mga tao na tumulong sa ’yo. Ang mga magagaling makisama are the ones who will stay the longest.

“We all know fame is fleeting. Hindi naman lahat ng oras nasa taas ka. May mga times na bumababa ka at umaakyat uli. So ganun naman talaga ang buhay. Minsan nasa baba at minsan nasa taas tayo,” lahad pa niya.

BASAHIN: LOOK: Ruffa Gutierrez’s eldest daughter Lorin turns 19: ‘She changed my life forever!’

On being controversial these days, halimbawa na lang ng “gaga” comment niya sa It’s Showtime bilang isa sa hurado ng Miss Q and A, ani Ruffa, “Yung pagiging controversial, hindi naman yan ginagawa it just happens. It’s like luck. When Lady Luck is on your side, and marami kang success, kakambal yan ng contriversy, hindi natin maiiwasan yan.

“Kung hindi ka na pinaguusapan sa showbiz, doon ka na magtaka. Ibig sabihin laos ka na. So okay na rin yung pinaguusapan at tinitira. At least they still have time, and you’re still relevant for them,” deklara ng bagong Viva artist.