• Home
  • Fresh Scoops
  • Napakalaking responsibilidad para kay Paolo Gumabao ang mapabilang sa cast ng ‘Darna’.

Paolo Gumabao itinuturing na big deal sa kanyang career portfolio ang mapasama sa ‘Darna’ series

Napakalaking responsibilidad para kay Paolo Gumabao ang mapabilang sa cast ng ‘Darna’.

Paolo Gumabao itinuturing na big deal sa kanyang career portfolio ang mapasama sa ‘Darna’ series-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/20/2022 06:44 PM
Paolo Gumabao itinuturing na big deal sa kanyang career portfolio ang mapasama sa ‘Darna’ series
Photo Credit: @paologumabao on Instagram

Ayon sa hunky actor na si Paolo Gumabao, big deal sa kanya at napakahalaga para sa kanyang career portfolio bilang actor ang maging bahagi ng kasisimula pa lang na Darna series na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

“Siyempre Darna was a show I used to watch as a kid, so being part of this show, napakalaking responsibilidad para sa akin,” katwiran ni Paolo na gumaganap ng karakter ni Noah Vallesteros sa Darna.

Dugtong pa ng aktor, “And siyempre, mas malaking tiwala rin yung binigay ng mga boss natin, ng mga boss ng ABS-CBN sa atin. Mas lalo lang lumaki yung responsibility natin, so siyempre kailangan natin suklian ng hard work.”


Bukod kay Jane ay makakasama rin ni Paolo sa Darna sina Joshua Garcia, Zaijian Jaranilla, Janella Salvador, Richard Qua,n at marami pang iba. Naging mainit naman agad ang pagtanggap ng viewers sa unang gabi  (August 15) ng Pinoy superhero series na idinirek ni Chito Roño dahil kaagad itong nakapagtala ng 296,334 views sa YouTube.

BASAHIN: Paolo Gumabao admits experiencing abuse while living in Taiwan: ‘They look down on us Filipinos’

Bago pa ang premiere ng Darna ay bumida muna si Paolo sa isang Maalaala Mo Kaya (MMK) episode kasama ang award-winning actor na si Nonie Buencamino.

“I’m very happy kasi bago ang Darna ay nagkaroon ako ng MMK. Siyempre, bilang artista wish namin lahat na mag-MMK kasi pag nagbida ka sa MMK parang napakalaking bagay at natupad ko na yon. Yes, it was the most challenging things I had to do ever since,” pahayag pa niya.

“Pagdating sa mga emotional scenes, I always make sure that in the morning—when I wake up first thing in the morning, kumbaga mina-marinade ko na ‘yung sarili ko—preparing myself for what’s going to happen sa set.

“What helps me a lot is I have a playlist on my phone that I listen to on the way pa lang sa set. Para pagdating ko na sa set, kumbaga nadala na natin sa 70 or 80 percent yung emotional vulnerability natin. So that pagdating natin sa set we only have to work for twenty or thirty percent,” kuwento naman niya sa ginawang paghahanda sa mga dramatic scenes niya sa MMK.

BASAHIN: Paolo Gumabao on his first ‘Maalaala Mo Kaya’ role: ‘It was one of the most challenging things I had to do’

Samantala, sa nasabing episode ay gumanap na mag-ama sina Paolo at Nonie. Tinalakay ng programa ang  isyu ng pagtanggap sa kani-kanilang “sexuality and profession.”