• Home
  • Fresh Scoops
  • Vanessa Raval, gumagawa nga ba ng ingay para mapagtakpan ang isyu tungkol sa ‘di umano’y pagbubuntis ni AJ Raval?

AJ Raval, nilinaw na walang kinalaman sa isyu ng kapatid na si Vanessa

Vanessa Raval, gumagawa nga ba ng ingay para mapagtakpan ang isyu tungkol sa ‘di umano’y pagbubuntis ni AJ Raval?

AJ Raval, nilinaw na walang kinalaman sa isyu ng kapatid na si Vanessa-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/02/2022 09:10 AM
AJ Raval, nilinaw na walang kinalaman sa isyu ng kapatid na si Vanessa
Photo credit to @ajravsss Instagram

Nilinaw ng sexy actress na si AJ Raval na wala siyang kinalaman sa mga kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng kapatid na si Vanessa Raval.

Ito ay matapos lumabas ang haka-haka na kaya gumagawa ng ingay si Vanessa ngayon ay para mapagtakpan ang isyu tungkol sa 'di umano'y pagbubuntis niya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


"I am speaking on behalf of my family whose name is being dragged regarding the circulating issue involving Vanessa," ani AJ sa kanyang half-sister, na ngayon ay nali-link sa rapper na si Skusta Clee.

"Please stop dragging my name in this issue that I have nothing to do with. Especially my father na umaako ng pressure dahil sa name na dala ni Vanessa," dagdag pa ng sexy star, na anak ng aktor na si Jeric Raval.

Giit ni AJ, bagamat parehong "Raval" ang kanilang apelyido ay hindi niya kasamang lumaki si Vanessa at hindi rin sila malapit sa isa't isa. 

"We are very civil 'pag nagkikita at times, but there is nothing special about it. Dahil mas close ako sa mga kapatid ko sa nakalakihan kong mother (Holiday). 'Yung mga brother and sister ko sa kanya ang nakasama ko lumaki, and not with Vanessa," paliwanag niya.

Patuloy pa ng aktres, labas siya at ang kanyang pamilya sa isyung kinasasangkutan ngayon ng kanyang half-sister.

"We are utterly affected about the circulating issue kahit wala kaming kinalaman. Again, we have nothing to do with it," sabi niya.

"Ganoon din sa akin. Labas din po lahat ng family members sa bawat issue na dumadating sa akin," dagdag niya.

Sa huli ay humingi ng paumanhin si AJ sa lahat ng mga naapektuhan sa isyu ni Vanessa "lalo na sa hip-hop industry."

Si AJ, 21, ay napapabalitang buntis ngayon sa anak ng aktor na si Aljur Abrenica. 

READ: Cristy Fermin kinumpirmang buntis si AJ Raval kay Aljur Abrenica

Dati nang itinanggi ng aktres ang bali-balitang nagdadalangtao siya. Sa kanyang pahayag sa News5, nilinaw ni AJ na COVID-19 at hindi pagbubuntis ang dahilan kung bakit hindi niya natapos ang pelikulang ginagawa niya.

READ: AJ Raval, pinabulaanan ang isyung buntis siya

Matapos nito ay naglabas ang aktres ng ilang bikini photo kung saan makikitang wala siyang baby bump. Nag-live din siya sa Instagram para paalalahanan ang lahat na huwag kaagad nagpapaniwala sa tsismis.

READ: AJ Raval, ibinida ang bikini body sa gitna ng balitang buntis siya

READ: AJ Raval dispels pregnancy rumors on Instagram live

Samantala, tikom pa rin ang bibig ni Aljur sa bali-balitang magkakaroon na sila ng anak ni AJ. Matatandaan na may dalawang anak na ang aktor sa dating asawa nito na si Kylie Padilla.