• Home
  • Fresh Scoops
  • Tinuturing din ni Shaina Magdayao na isang prebilihiyo ang mapasama sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’

Shaina Magdayao, ikinuwento kung paano nabiyayaan ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ang maraming tao

Tinuturing din ni Shaina Magdayao na isang prebilihiyo ang mapasama sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano.’

Shaina Magdayao, ikinuwento kung paano nabiyayaan ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ang maraming tao-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

08/19/2022 04:46 PM
Shaina Magdayao, ikinuwento kung paano nabiyayaan ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ang maraming tao
Photo credit to @shaina_magdayao Instagram

Para kay Shaina Magdayao, biyaya maituturing ang programang FPJ’s Ang Probinsyano na nagtapos kamakailan lamang.

Sa isang Instagram post, nagpasalamat si Shaina sa pagkakataong magkaroon ng bagong pamilya sa pamamagitan ng mga taong bumubuo ng Ang Probinsyano.


Ani Shaina, marami ang pagsubok na pinagdaanan ng kanilang programa sa loob ng maraming taon ngunit nalagpasan nila ang lahat ng ito. 

“Panginoon, maraming salamat po sa napakagandang blessing na ito, ang show ng #FPJsAngProbinsyano at ang mga tao na bumubuo nito na matatawag kong isang #pamilya (from cast to crew to staff and our bosses) sa loob ng ilang taon. …..Lahat na yata pinagdaanan namin ng magkakasama —mula #pandemic, #taalvolcano, at #earthquake,” ani Shaina. 

Ayon pa sa aktres na gumanap bilang Major Roxanne Opeña, maraming tao ang nabibiyaan ng Ang Probinsyano dahil sa pambihirang pagkakataon na makapagbigay ng trabaho hindi lang sa mga artista kundi pati na mga tao sa likd nito. 

“During the pandemic, when the rest of the world was going through so much ‘lack’, YOU have handpicked each and every person behind this show and you have blessed us with ‘abundance’ — opportunities to earn through this job we all love to do, use our God given talents to express ourselves and serve our mother network ABS-CBN and the Filipino viewers,” saad ni Shaina.

READ: Coco Martin bids farewell to ‘FPJ’s Ang Probinsyano’

Nag-iwan din ng mensahe si Shaina sa mga taong nakasama niya sa pagbuo ng proyektong ito na tinuturing niyang isang prebilihiyo.

“Gaya nga ng sabi ni Major Roxanne Opeña sa dinami dami ng pinagdaanan nating lahat, kahit saan siguro tayo dalhin ng buhay, hindi mawawala sa puso natin ang isa’t isa. Kaya maraming salamat sa inyo,” ani Shaina.

READ: Will ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ ever get a Book 2? Here’s what Coco Martin has to say

“Ma mimiss ko kayo at hinding hindi ko kayo makakalimutan. ……at kung bigyan man ulit ako ng pagkakataon na ulitin lahaaat ng ito, lahat ng hirap, saya, lahat ng sakripisyo, wala akong papalitan ni isa sa inyo….. ISANG PREBILIHIYO NA LUMABAN KASAMA NINYONG LAHAT AT IPAGLABAN ANG TAMA,” dagdag pa niya.