• Home
  • Fresh Scoops
  • Tahasang sinagot ni Donnalyn Bartolome ang mga batikos na natanggap niya mula sa mga kritiko laban sa kanyang ‘kanto-themed’ birthday celebration.

Donnalyn Bartolome, sinagot ang mga batikos laban sa ‘kanto-themed’ birthday party

Tahasang sinagot ni Donnalyn Bartolome ang mga batikos na natanggap niya mula sa mga kritiko laban sa kanyang ‘kanto-themed’ birthday celebration.

Donnalyn Bartolome, sinagot ang mga batikos laban sa ‘kanto-themed’ birthday party-Leah Bueno
BY
Leah Bueno

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

08/19/2022 11:50 AM
Donnalyn Bartolome, sinagot ang mga batikos laban sa ‘kanto-themed’ birthday party
Photo credit to @donna Instagram

Tahasang sinagot ng vlogger na si Donnalyn Bartolome ang mga batikos na natanggap niya mula sa mga kritiko laban sa kanyang "kanto-themed" birthday celebration.

Sa kanyang post sa Facebook nitong Huwebes (Agosto 18), ipinagtanggol ni Donnalyn ang kanyang desisyon na magkaroon ng "kanto-themed" birthday party dahil aniya ay parte ito ng kanyang istorya. 


"Para sa mga pa-Woke but are sleep walking. Kilala niyo ako, I apologize when I’m wrong but when I’m not, I will fight for what I believe in," ani Donnalyn.

"That kanto birthday party is my history," paliwanag niya. "'Yung minamata ako ng mga tao noon after ko umalis sa amin cause I had no money, pati pagkain ko ng kwek kwek tinatawag akong poor. Pati pagsakay ko ng jeep. 'Wag ka magkakamali na pag-isipan siya ng cheap, wala lang talagang kaso sa kanya kung mag-jeep.' Saan sa tingin niyo nakukuha lyrics sa kanta ko? I’ve always been so proud of everything I’ve been through cause hindi naman ako basta tumambay lang eh, nag-trabaho ako."

Hinggil sa kanyang tutong na cake, na umani rin ng negatibong reaksyon sa social media, nilinaw ni Donnalyn na biruan lamang ito sa kanilang magkakaibigan.

"Wala ba kayong friends na loko loko? Noon pang meme 'yung cake 'yan na inside joke sa mga barkada ah? Asin ba at toyo pinakain ko sa guests ko para sabihin niyong poverty mockery?" depensa niya.

READ: Donnalyn Bartolome, dinepensahan ang ‘kanto-themed’ party: ‘This was my life when I left home abroad’

"May mga milyonaryo na nag-kakanto bday party because THIS IS THE FILIPINO CULTURE. Not a theme," patuloy pa ng influencer. "Gusto niyo pabonggahan na party? Choice niyo 'yun. Walang masama sa simple o bongga basta afford mo. Hindi niyo kasi tinapos yung video na ginamit ko 'tong birthday ko para magbigay lakas ng loob sa mga taong pinagdadaanan 'yung pinagdaanan ko. That there’s light at the end of the tunnel basta 'wag ka maggi-give up. That the key to success is to believe in yourself."

"Syempre hindi 'yun 'yung message na nakuha ng sleepwalkers sa vlog kasi focus sila sa negative," dagdag niya. "Noon kung makapang-mata yung iba sa mga nagka-kanto birthday party, wagas (dami ko na-encounter na ganito). Now that I’ve suddenly made it cool by being proud of it at yung mga kanto party peeps are happy about it, galit na galit yung iba?"

Giit ni Donnalyn, nagpapakatotoo lamang siya sa kanyang sarili nang gawin ang kanyang kontrobersyal na birthday party. 

"Bawal na ba maging ako? Nagpapakatotoo lang ako. Sino ka para pagsabihan ako na mali bumalik sa dati kong gawi? Sino ka para husgahan pagpapakilala ko sa mga new friends ko kung saan ako nanggaling? Sino ka para pakialaman 'yung tutong cake giving friendship dynamic namin? Gusto mo makita kung gaano ko kahilig sa extra rice para ma-gets mo bakit tutong cake? Manood ka po ng rice mukbang ko," sabi pa niya.

Kasama ng kanyang pahayag sa Facebook ay ilang lumang retrato ni Donnalyn noong hindi pa siya sumisikat at simpleng simple pa ang kanyang buhay.

"I collected pics of me when I left home, payat na payat, kulang lagi pambayad ng bills at tuition fee kasi nga tumayo ako sa sarili kong paa. Mga bagay na 'di niyo alam kasi di niyo naman pinanood yung vlog eh. Nagsalita lang kayo nang wala kayong alam," aniya.

Sa huli ay nagbigay din ng kanyang pahayag si Donnalyn sa mga news outlets na naglabas ng ulat ukol sa kanyang "kanto-themed" birthday party. 

"Sa news outlets po, wala pa sa 5% yung nagsabing 'di okay yung vlog vs people who loved it. You’re just shining the light on whatever’s worse for engagement," sabi niya. 

Tingnan ang buong mensahe at mga lumang retrato ni Donnalyn dito: