• Home
  • Fresh Scoops
  • Matinding lungkot ang pinagdadaanan ni Sharon Cuneta pagkatapos pumanaw ang mga kaibigang sina Fanny Serrano at Cherie Gil.

Sharon Cuneta humiling ng panalangin para sa malapit na kaibigang kasalukuyang nasa ICU

Matinding lungkot ang pinagdadaanan ni Sharon Cuneta pagkatapos pumanaw ang mga kaibigang sina Fanny Serrano at Cherie Gil.

Sharon Cuneta humiling ng panalangin para sa malapit na kaibigang kasalukuyang nasa ICU-Leo Bukas
BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

08/18/2022 03:42 PM
Sharon Cuneta humiling ng panalangin para sa malapit na kaibigang kasalukuyang nasa ICU
Photo credit to @reallysharoncuneta Instagram

Nakiusap si Sharon Cuneta sa kanyang mga taga-suporta na  tulungan siyang ipagdasal ang isang kaibigang may sakit na kasalukuyang nasa ICU. Sa kanyang Facebook post ay hindi na pinangalanan ng Megastar ang tinutukoy niyang kaibigan pero halatang malapit din ang taong ito sa kanya.

Ayon pa sa award-winning actress, matinding lungkot na ang pinagdadaanan niya sa pagpanaw ng mga kaibigang sina Fanny Serrano at nitong huli lamang, Cherie Gil kaya sana raw ay wala na ulit sumunod.

Si Fanny na kilalang celebrity makeup artist and stylist ay pumanaw noong May 10, 2022. Ang veteran actress naman na si Cherie ay namatay noong August 5.


“Family and friends…after Tita Fanny passed away, I was very, very afraid for Cherie and this one other friend who is also sick and who also means the world to me… I just found out that she is in the ICU now because of a ‘silent stroke,’” simulang lahad ng Megastar.

BASAHIN: Sharon Cuneta sobrang nami-miss si Cherie Gil, may pangako sa kaibigang pumanaw

“Please, please pray with me for her healing… Lord kahit a few more years na lang po idagdag Niyo please sa buhay niya…Hindi ko na kaya. I am still in pieces over losing Cherie… Hindi ko na kaya. Please pray,” hiling niya.

Muli niyang pahayag,  “My faith is wavering and I don’t want it to be…But this is just too much too soon… Wala nang pahinga ang puso ko sa sakit. Please, please pray for me… More than that, please pray for my friend. Thank you so much and please take care of yourselves. (praying hands and hearts emoji).”

BASAHIN: Sharon Cuneta mourns death of Fanny Serrano

Nag-request din siya ng panalangin para sa pamangking edad 25.

“For my niece, ‘Bam,’ I ask for all your prayers too… She is only 25…and I do not understand why she has cancer…

“She is a loving, happy, good girl whom we all love so much… Please, please be our prayer warriors and help us pray for her healing too… Maraming salamat po (praying hands and hearts emoji),” saad pa niya.

Humiling din ng panalangin si Sharon para sa kanyang sarili na  makayanan ang mga pagsubok na dumarating sa kanya  para sa mga taong mahal niya sa buhay.