• Home
  • Fresh Scoops
  • Pinabulaanan ni Mark Anthony Fernandez ang isyung may nabuntis siyang ‘lady guard.’

Mark Anthony Fernandez, nagsalita sa isyu na may nabuntis siyang isang ‘lady guard’

Pinabulaanan ni Mark Anthony Fernandez ang isyung may nabuntis siyang ‘lady guard.’

Mark Anthony Fernandez, nagsalita sa isyu na may nabuntis siyang isang ‘lady guard’-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

08/18/2022 09:29 AM
Mark Anthony Fernandez, nagsalita sa isyu na may nabuntis siyang isang ‘lady guard’
Screenshot from Ogie Diaz YouTube Channel

Nilinaw ni Mark Anthony Fernandez ang tungkol sa kumalat na litrato kung saan may kasama siyang isang buntis na lady guard.

Sa vlog na inilabas ni Ogie Diaz nitong Sabado, ika-13 ng Agosto, napag-usapan ang tungkol sa pagiging ama ni Mark sa kanyang mga anak.

Bagama’t may lima na siyang anak sa iba’t-ibang babae, nilinaw ni Mark na hindi ibig sabihin nito ay pilyo siya. 


“Nasawi lang tapos umabot sa puntong ganu’n. Nagmumukha lang pilyo. Pero mas nasawi. Lonely Hearts Club,” saad ni Mark. 

READ: Gwapings throwback photo for Mark Anthony Fernandez’s birthday

Nang tanungin kung paano niya natutugunan ang pangangailangan ng kanyang mga anak, sinabi nito na binibigyan niya ang mga ito tuwing meron siya. Sa katunayan, nabigyan na niya ng bahay ang dalawa sa kanyang limang anak. 

“Abruptly kasi ako. Ang dami kong pinagdaanan noong bata ako ayaw kong mangyari sa kanila. ‘Yung dalawa nabigyan ko na ng tirahan. Binigyan ko ng bahay. Tapos buti na lang ‘yung mama nila may kaya naman. Tapos ‘pag meron ako, dun ako nagbibigay.”

Hindi rin umano siya inoobliga ng mga ina ng kanyang mga anak na magbigay ng buwanan. 

“Dati ganun. Pero buti na lang nagkasundo kami sa kasunduan na ‘pag meron ako, dun ako magbibigay lalo na ‘pag may marami, dun ako magbibigay.”

Sinabi naman ni Mark na alam niya sa sarilin niya na may pagkukulang siya sa bilang ama sa kanyang mga anak. 

“Sigurado meron. Pero paglaki nila, maiintindihan nila ako. And panigurado, maa-appreciate nila ‘yun. Hopefully, ‘wag nilang isipin ‘yun,” aniya. 

Samantala, nilinaw naman ni Mark ang isang litrato kung saan may kasama siyang buntis na lady guard. 

Ayon kay Mark, nagpa-picture lang ang nasabing babae sa kanya na saktong buntis ng mga panahong iyon. 

READ: Mark Anthony Fernandez on his new film ‘Deception’: ‘Kinikilig ako sa script na ito!’

“Hindi totoo ‘yun. ‘Yung nagpa-picture sa akin, buntis. Napagkamalan,” saad niya. 

Nang makarating sa kanya ang balita tungkol sa umano’y nabuntis niyang lady guard, dinaan ni Mark Anthony sa biro ang sagot niya. 

“Sabi ko nga, ‘Sana totoo’ dahil ang ganda rin nu’ng babae eh. ‘Yun pala, buntis na pala siya,” sagot niya.