• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin ni Derek na pinagtutuunan niya ng pansin ang bonding moments nila ni Ellen Adarna at anak nitong si Elias.

Derek Ramsay, sinabing ’semi-retired’ na sa showbiz

Inamin ni Derek na pinagtutuunan niya ng pansin ang bonding moments nila ni Ellen Adarna at anak nitong si Elias.

Derek Ramsay, sinabing ’semi-retired’ na sa showbiz-Pao Apostol
BY
Pao Apostol

FRESH SCOOPS

08/18/2022 09:08 AM
Derek Ramsay, sinabing ’semi-retired’ na sa showbiz
Photo credit to @ramsayderek07 Instagram

Magreretiro na nga ba si Derek Ramsay sa showbiz? 

Ayon sa aktor, “semi-retired” lang umano siya sa paggawa ng mga proyekto sa industriya.  


Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Linggo, ika-14 ng Agosto, sinabi ni Derek na marami siyang napagtanto sa kalagitnaan ng pandemya. 

Ani Derek, nag-eenjoy siya sa bonding nila ng kanyang asawa na si Ellen pati na sa anak ng aktres sa dati nitong partner na si John Lloyd Cruz. 

"I'm really enjoying family. Ngayon talaga I'm really bonding with Elias, with my wife Ellen," ani Derek. 

READ: Ellen Adarna and Derek Ramsay prank each other

Gayunpaman, hindi isinasara ni Derek ang posibilidad na makagawa muli ng isang proyekto lalo na kung mapusuan niya ang ibibigay sa kanya. 

"Kapag meron akong nabasang script na bubuhayin ang dugo ko eh," saad ni Derek. 

Taong 2018 nang huling gumawa ng proyekto si Derek sa Kapamilya network. Ito ang pelikulang Kasal kung saan nakasama niya sina Bea Alonzo at Paulo Avelino. 

READ: Derek Ramsay’s son Austin graduates from high school: ‘Proud of you bud!’

Na-engagd si Derek at Ellen Marso noong nakaraang taon. Ikinasal naman sila Nobyembre ng parehong taon.